UNCONDITIONAL FEELINGS
Lucielle's POV
Monday na naman again hayssss bilis talaga ng araw parang dati lang ang lambing nya pa tapos ngayon, wala na nganga hahaha tsarot
Lalim ng hugot
Naglakad na ako papasok sa room pero as usual may mga mata parin haynako.
Hindi nag sasawa sa kagandahan ko
Hinayaan ko nalang sila tignan ang kagandahan ko at nag patuloy sa pag lalakad, papasok pa lang sana ako sa room ng bigla kong makita si Hero na may kasamang babae pero hindi si Shara kundi si Alexa the bubuyog.
Haharot jusme lunes na lunes!
Naghahabulan sila na parang mga tsnga at itong reyna ng mga alipunga naman tuwang tuwa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Uyy Hero ano ba ibalik mo na nga kasi sakin yan ahihihi", sabi nung queen bubuyog sa pabebeng tono.
Sarap iuntog sa pader, sakit sa eyes!
Didiretso na sana ulit ako kaso humarang naman sila sa pinto. Ano nananadya? Untog ko ulo nyong dalawa eh!
Harutan 101
Tumikhim muna ako bago magsalita.... "Pwede kung mag haharutan kayo wag sa pinto? Daanan ng mga estudyanteng matitino to kaya dun kayo sa labas mag harutan", sabi ko in sarcastic way. Abaaa qiqil na ako eh masyado na silang maharot.
Shanahallsss
"Ay sorry Lucielle", sabi ni Hero at lumabas na silang dalawa ni Alex.
Ay ganun nalang yun? yun na yun? wala bang, 'sya kasi eh hinaharot ako eh ikaw gusto ko', ganon? tsarot
Assumera ka dzaii
Umupo na ako sa upuan ko at nakita ko si Misty na mag isa lang dahil wala pa ang shota nya, yes po opkurs sila na ni Harold bilis no? ako nalang wala mwehehehe shanahallsss.
Nilapitan ko sya at tinabihan dahil maaga pa naman ay nag kwentuhan muna kami, hindi sya makapaniwala na mag kaibigan na kami ni Shara the demonyita miski naman ako hindi din makapaniwala pero hayaan muna.
"Baka naman sya na gawin mong bestfriend at hindi na ako", sabi nya habang nakabusangot.
Oa nento!
"Boba, ikaw parin bestfriend ko kahit hindi mo na ako masyadong kinakausap dahil busy ka sa shota mo tssssk", sabi ko sabay cross arm at irap ng todo. Natawa sya sa ginawa ko kaya nahampas nya ako sa braso.
"Uyy nag tatampo bestfriend ko, wag kang mag alala bessy support naman ako sayo always lalo na sa darating na finales nyo sa banda gagawan pa kita ng banner na may nakalagay na GO LUCIELLE", sabi nya with hand gesture pa na iniimagine na hawak yung banner. Natuwa naman ako dahil kahit may shota na sya eh hindi parin nya ako kinakalimutan.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?