HARU MONTERO
Lucielle's POV
Yey, Saturday! Nakahilata lang ako sa aking malambot na kama at nag iisip kung anong magandang gawin at kung saan pwedeng gumala. Hindi ko nalang ichachat si Misty dahil baka sabihin nya 'next time nalang bessy', nyenyenye at mainis na naman ako sakanya kaya ako nalang mag isa ang gagala ngayon pero nag iisip pa nga ako kung saan. Hindi kasi ako galang tao.
Ay weehh?
Bumangon ako dahil narinig ko ang pag tawag sakin ni mama, binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang magandang mukha ng aking mahal na ina. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ako maganda hehehe.
Ulowl.
"Anak may gagawin kaba ngayon?", bungad na tanong sakin ni mama.
"Wala naman po ma, bakit?", tanong ko din sakanya.
"Pwede mo akong samahan? nakalimutan kasi ng papa mo yung baon nya eh", tanong sakin ni mama habang nakangiti.
Bait ni mama, sana araw araw ganito
"Sige ma, ligo lang ako tapos wait mo nalang ako sa baba", sagot ko. Nagpa salamat sya at bumaba na, ngumiti lang ako sakanya.
Papa misa ako mamaya hehehe tsarot
Sinarado ko ang pinto at mabilis na nag tungo sa banyo para maligo after 20 minutes ay natapos na ako, agad akong nagbihis ng susuotin, naka denim short shorts lang ako na tapos pinartneran ko ng white plain t-shirt. Hindi naman masyadong maiksi yung short ko eh kumbaga sakto lang. Nilugay ko lang ang buhok ko na hanggang bewang at nilagyan ng clip na kulay pink tapos butterfly yung design ang cute. Nag lagay lang ako ng kaunting lip tint sa pisngi tapos labi then ayos na. Bumaba na ako at nakita ko si mama na inaayos ang naiwan ni papa na baon, ng makita nya ako ay ngumiti sya sakin.
"Tara na?", tanong ko kay mama at agad naman syang tumango.
Hindi na kami nagpahatid kay kuya dahil may lakad daw sya ng mga kaklase nila. Shanaol, sarap siguro maging college.
Gagraduate ka ba?
Binilin ni mama si Leo sa kaibigan nya at pumayag naman ito, may kalaro naman si Leo hindi sya mababagot tsaka sandali lang naman kami. Agad kaming nagpara ng tricycle at pumunta sa destinasyon namin. Habang nasa byahe kami ni mama ay nag online muna ako ng fb, may message akong natanggap galing kay Misty at kay Hero??? Bakit naman sya mag memessage sakin? Hindi ko nalang muna pinansin yun dahil katabi ko si mama at baka kung ano ang isipin nya.
"Malapit na tayo", sabi ni mama na nagbalik sa katinuan ko ng tignan ko ang paligid ay medyo malayo layo nga ito sa bahay namin. Pumara si mama sa isang malaking building. Wow!
Bumaba na kami sa tricycle at hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita kong building at familiar ang pangalan ng building na'to sakin.
"Ma, dito ba nagtatrabaho si papa sa malaking building na'to?", maghang tanong ko kay mama at tumango naman sya bilang sagot. Ang laki at mukhang yayamanin ang may-ari, shanahallsss talaga!!!
Pumasok na kami sa loob at isang guard ang bumungad samin.
"Goodmorning Ateh Yvonne", bati nung guard kay mama. Wow kilala si mama dito? Paano?
"Goodmorning din Carlo", bati din ni mama. "Nanjan ba si Kuya Oscar mo?", dugtong nya.
"Nasa taas sya, pasok na kayo", sagot nya at nilahad ang kamay papasok sa loob. Nagpasalamat si mama at tumango naman sya, nagtama ang tingin namin at ngumiti nalang din ako sakanya.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?