JEALOUS
Hero's POV
"Hoy, wag mo nga pakialaman yan", sigaw ni Lucielle kay Haru.
"Ano bang meron dito sa bag mo at ayaw mo ipakita sakin?", sabi ni Haru habang natawa at bitbit ang bag ni Lucielle.
Tinitignan ko lang sila na parang nag papatintero sa harapan ko.
Sa harapan ko pa talaga, enjoy lang!
Niirita na ako dahil sa ingay at gulo nilang dalawa.
"Can you please stop to what are you doing and get out of my sight?", irita kong sabi at kita ako pag titig sakin ni Haru habang nakangisi.
I know you have a plan my lil'brother
Sinamaan ko lang sya ng tingin, napatingin ako kay Lucielle at nakatingin din sya sakin na parang sinasabing anong nangyayari sakin.
Why am I feel like this?
Tumingin ulit ako kay Haru pero ganun parin ang itsura nya. Humanda ka sakin kung gusto mong maglaro pagbibigyan kita. Tumayo ako at naglakad papunta sa upuan ni Shara, kita ko ang gulat sa mukha nya pero hindi ko pinansin yun.
"May I sit next to you?", tanong ko sakanya at ngumiti. Tumingin ako kay Haru at napangiti ako sa isip ko dahil hindi maipinta ang mukha nya.
Akala mo ikaw lang marunong makipaglaro, ano pa kung naging kambal tayo.
The game is on my dear brother
"B-bakit, eh diba dun ka nakaupo sa unahan?", takang tanong ni Shara, umiling lang ako at umupo sa tabi nya.
Wala syang nagawa kaya hinayaan nya nalang ako, tinignan ko si Haru at para na nya akong papatayin sa isip nya nginitian ko lang sya at nahagip ng mata ko si Lucielle na nakatingin din samin, hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero para syang nag seselos.
Wag mag assume baka masaktan
Dumating na ang teacher namin at tinanong nya kung bakit nakaupo ako sa dulo, sinabi ko nalang na masakit masyado ang mata ko kapag malapitan tumango nalang sya bilang pag sang-ayon.
Nag umpisa na mag turo ang teacher pero ang mga mata ng ibang classmates namin ay sa amin nakatingin. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuunan ng pansin ang isang taong nakatingin sakin ng masama and that's my twin.
Enjoy the view my twin
Ngumiti nalang ako sakanya at humarap sa teacher na nagtuturo kita ko pa ang pag igting ng panga nya at pag yukom ng kamao.
Nag bell na at natapos na ang klase, niyaya ko si Shara na sumama sakin sa cafeteria nagulat pa sya nung una pero agad naman na tumango.
"Shara, do you want to join me in the cafeteria?", tanong ko sakanya habang nakangiti.
"Sige, tara", pinalupot nya ang kamay nya sa braso ko at naglakad na kami palabas ng room, tumingin muna ako kay Haru na masama ang titig sakin at kay Lucielle na malamig ang tingin.
Bakit?
Nang makalagpas na kami sa room ay agad kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko.
"Why?", takang tanong nya sasagutin ko na sana sya kaso nakita ko sila Haru na nakasunod din pala samin kasama si Lucielle.
"Because I don't like that", inakbayan ko sya at sinabing "This one is I like", sabi ko at naglakad ulit kami. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni Haru at Lucielle samin pero iba talaga ang titig ni Lucielle.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?