FORGIVENESS
Hero's POV
I'm here now to what we called auditorium but looks like a studio and thinking when I start my plan to confess my feelings for her. While playing my guitar the door was open and the person who came out is my twin brother Haru. He walking towards me and say that we need to talk but I don't know what it is.
Umupo kami sa magkabilang sofa at nag simula na syang mag salita. "I went to Lucielle's house yesterday. I apologize to her from what I did and she accept my apology and at the same time I confess my real feelings for her but from what she said, she like someone and that's you Hero. Lucielle likes you a lot", mahabang sabi nya at ramdam ko sakanya ang sakit sa bawat bigkas nya ng salitang binibitawan nya. "Bakit mo sinasabi sakin to?", sabi ko pero hindi ko mapigilan na hindi maging masaya dahil si Lucielle ang taong gusto ko kay may gusto din sakin. "Sinasabi ko'to dahil gusto kong bumawi sayo sa ginawa ko sayo before and then humingi nadin ng tawad, hindi ko kayo pinakinggan hindi ko pinakinggan ang side ni Shara kaya ganito ang nangyari satin pero nung nalaman ko yung totoo natauhan na ako pero huli na, nagkaroon ako ng feelings kay Lucielle na hindi naman dapat tapos nalaman nya pala ang plano ko na dapat sakin lang sya galit pero nadamay kayo ni Shara, naging makasarili ako at hindi ko iniisip kung anong magiging resulta ng paghihiganti ko. Tama nga sila nasa huli ang pag sisisi", paliwanag nya kaya nakaramdam ako ng ginhawa sa puso ko. Natauhan nadin ang kapatid ko at ito ang gusto kong mangyari matagal na, lumapit ako sakanya at tinap ang balikat nya. "May kasalanan din kami dahil hindi namin agad sayo sinabi ang totoo noon kasi masyado ka ng stress sa company at ayaw namin na dumagdag pa sa isipin mo yun, salamat dahil pinatawad mo na ako, kame ni Shara malaking achievement yun para sa atin lalo na sa ating dalawa, forgiveness is the key", sabi ko din at tinapik nya din ang balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, isa nalang ang iisipin ko kung paano ko gagawin ang plano.
Kinausap ko si Haru about sa plano ko at tumango tango lang sya, nagpaalam sya saglit sakin dahil pupuntahan nya si Tita Cassandra pero hindi ko alam kung bakit. Ilang minuto akong naghintay at dumating na sya na nakangiti ng nakakaloko.
"Anong sinabi mo kay tita?", takang tanong ko. "Sinabi ko sakanya na mag coconfess ka sa isang babaeng gusto mo at sabi ko din na papuntahin lahat ng estudyante sa gym para sa gagawin mong confession, sumang-ayon naman sya at kinikilig pa hahahhaa", paliwanag nya habang natawa. Sumang-ayon nalang ako kahit ang totoo kinakabahan ako dahil ang balak ko sana dalawa lang kami ang mag uusap pero malalaman ng buong university ang confession na gagawin ko dahil dito sa kapatid kong tukmol tssss. Babawi ako sayo.
Nagpaalam na si Haru na babalik na sya sa room binigyan nya muna ako ng isang goodluck at nag peace bomb pa kami. Ganyan kami ka-close ng kapatid ko at salamat dahil bumalik na kami sa dati. Inayos ko ang gitara na gagamitin ko at nagpunta na sya gym, wala pang tao kaya dun ako pumunta sa backstage mga ilang minuto na paghihintay at narinig ko ang mga boses ng mga kapwa ko estudyante. Nandito na sila, nandito na sya......, sinabi din pala sakin na papasok na si Lucielle ngayon kaya ang lakas ng loob nyang sabihin sakin na gawin ko na ngayon.
Inayos ko na ang mic para maumpisahan ko na ang balak ko, sumakit ang tenga ko dahil sa ingay ng mic at rinig ko din ang angal ng ibang estudyante na nasa labas. Lumabas ako sa stage at kita ko ang gulat nila pero napalitan din agad ito ng hiyawan, hinahanap ng mata ko si Lucielle at hindi naman ako nabigo dahil nasa unahan sya at nakatitig sakin. Kasama ko din pala si Haru dahil tutulungan nya akong tumugtog, sya ang tutugtog habang kumakanta ako pero tutugtog din naman ako.
Nag simula na akong kumanta at nakatitig lang sya sakin, tinitigan ko sya hanggang sa naisipan kong bumaba para lumapit sakanya kita ko ang gulat nya dahil sa ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin yun at ganun din naman sya. Natapos ko na ang kanta at sinabi ko na ang dapat kong sabihin, humingi ako ng tawad sakanya at agad naman nya itong tinanggap. Niyakap ko sya dahil sa tuwa na naramdaman ko, hinila ko sya papunta sa stage at bumaba naman si Haru binigyan nya muna ako ng isang tango at ganun din ang ginawa ko. Nasa harapan na kami ng mga estudyanteng nakatingin samin, yung iba nagtataka at yung iba naman ay kinikilig.
Kumanta ulit ako para sabihin sakanya ang totoong nararamdaman ko dahil sa kanta kong to ay nakalagay ang intensyon ko. Natapos nako sa pagkanta at nag confess na sakanya, hindi sya makapag salita dahil nakatitig lang sya sakin bumibilis nadin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka binibiro lang ako ng kapatid ko na may gusto sakin si Lucielle.
Hindi naman ako nabigo at totoo ang sinabi ni Haru na may gusto sakin si Lucielle dahil sinabi nya sakin ang totoo nyang feelings at pumayag din sya na ligawan ko sya. Nang marinig ko yun ay hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko..., tuwa, kilig, at sobrang saya.
Eto ang pinaka magandang nangyari sa buong buhay ko.
Ang taong gusto ko at gusto din ako.
Ang taong mahal ko ay mahal din ako.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?