CHAPTER 23

22 9 2
                                    

CLOSURE

Lucielle's POV

Ngayon ang araw na mag uusap si Shara at Haru pero ang pinagtataka ko bakit kailangan nandun ako? wala naman akong gagawin dun at wala akong alam sa pag uusapan nila, minsan talaga si Haru hindi ko maintindihan kung anong gustong gawin sa buhay at kailangan madamay pa ako bwiset!

"Shara may sasabihin ako sayo", bulong ko sakanya dahil busy sya masyado sa pagtitig kay Haru.

Obsession nga naman!

Hindi nya ako nilingon at patuloy parin sa pag titig sa taong yun kinalabit ko sya kaya napatingin na din saya sakin.

Tuktukan kita jan eh!

Lumingon sya sakin bago nagsalita "Hmm bakit cielle, nakausap mo na ba sya?", tanong nya. "O-oo nakausap ko na sya at pumayag sya", alanganin kong sabi at ngumiti sya ng malapad yung tipong labas gilagid.

May malunggay mare!

Tumayo sya at hinila ako papuntang dulo ng classroom para hindi marinig nung iba yung pinaguusapan namin, hindi sya makapaniwala na pumayag si Haru sa gusto nya pero ang problema kasama ako at baka hindi nya gusto yun baka maging enemy na naman kami jusme!

Hindi nalang kaya ako sumipot sa tagpuan nila tapos sabihin ko na masama ang pakiramdam ko or sasama ako sakanila tapos a-acting na parang natatae sabay takbo paalis sa pwesto nila? Ano kaya maganda, try natin yung unang option kapag hindi gumana yung pangalawa. Tama tama.

Ang genius mo self nakaka proud kana!

Bumalik ako sa reyalidad ng yugyugin ako ng kaharap ko "Uyy cielle, kanina kapa tulala dyan ano ba iniisip mo?", takang tanong sakin ni Shara. "H-ha? ano yun?", tanong ko din sakanya napabuntong hininga sya bago nagsalita ulit "Ang sabi ko saan kami magkikita ni Haru at anong oras?", sabi nya habang nakatingin sakin. Ayy takte oo nga pala hehehe "A-ah o-oo nga pala nakalimutan ko sorry heheheh", sagot ko sabay kamot sa ulo "Sa dati nyo daw tagpuan after class", dagdag ko pa. Tumango naman sya at ngumiti "Thankyou cielle, you're the best talaga!", sabi nya at niyakap ako. Owshet yung yayamanin nyang dibdib natatamaan ang aking pader.

Masugatan ka sana!

Kumawala na sya sa pagkaka yakap sakin at bumalik sa kanyang upuan, ganun din ang ginawa ko dahil nandyan na ang teacher namin.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Panay lang discuss dahil malapit na ang final exam at kailangan namin mag focus dahil pagtapos nun ay graduation na.

Gagraduate ba ako, huhuhuhu sana!!!!

Tumunog ang bell signal na uwian na yung iba kanya kanyang sukbit ng bag at lumabas.

Uwing uwi yarn?

Lalabas na din sana ako sa pinto kaso biglang humarang si Haru, lechugas naman oh!

"Saan ka pupunta?", sabi nya habang nakataas ang kamay sa pinto na parang humaharang sa daanan ko. Palpak ang unang plano, tsngina naman!

Tumalikod ako sakanya at naglakad ulit pabalik sa upuan ko, tsngina naman talaga! Kinalabit ako ni Shara tumingin naman ako sakanya "Bakit hindi kapa nauwi?", tanong nya na may halong pagtataka. Sheyt naman sasabihin ko ba sakanya? Baka kasi magalit sya tapos kung ano ano na naman sasabihin eh, arrghhhhh nakaka stress naman.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon