CHAPTER 36

19 6 0
                                    

Lucielle's POV

Ilang weeks nadin ang nagdaan matapos ang prom at ngayon naman ay mag papractice na kami para sa graduation tapos susunod naman namin yung sa final battle na gaganapin next week.

Taposh yung kiss namin ni Hero eheeeeeetlog

Kinikilig ako hindi parin mawala sa isip ko yung ginawa namin sa prom halos ilang gabi nadin akong kinikilig na parang tanga kapag naaalala ko yun. Parang ganto lang scenario ko nun iispin - magtatakip ng unan sa mukha - tapos iisipin ulit - magtatakip ulit ng unan sa mukha ohhh diba parang tsnga lang hahaha

Ehh keshee nemen ehh pereng tenge

Nangingiti nalang ako kapag naaalala ko yun. "Hooy anong ngingiti ngiti mo dyan?", tanong sakin ni Misty dahilan para magulat ako at muntik ng malaglag sa kinauupuan ko. "Ano ba bakit ka nanggugulat? Pwede mo naman ako tawagin o kalabitin diba? Tssssk", pagtataray ko na nagpangiwi sakanya. "Halerrr kanina pa kaya kita tinatawag hindi ka naman lumilingon tapos ngingiti ngiti kapa dyan", paliwanag ni Misty habang naka cross arm. Ay kanina paba hehehe sorry naman lutang lang.

Move on muna kasi sa kiss na yan mare

"Sorry na, ano ba kasi kailangan mo?", tanong ko sakanya kaya umayos sya ng upo. "Wala, masama na bang tabihan ang bestfriend ko?", sabi nya at tumaray. "May sinabi ba ako?", pagtataray ko din kaya bumusangot sya. "Kainis naman kasi eh, simula nung naging kayo ni Hero hindi mo na ako pinapansin nakakatampo ka kaya alam mo ba yun?", paawa nyang sabi kaya nahampas ko ang braso nya. "Aray masakit ah", pagaangal nya. "Alam mo na yung feeling na hindi pinapansin diba? ganyan ka kaya sakin noon nung naging kayo ni Harold tapos sasabihin mo hindi na kita pinapansin tsssss sarap mong konyatan", sabi ko sakanya at akmang babatukan ng iharang nya ang kamay sa ulo. "Sorry na besssy, treat nalang kita mamaya", pangsusuhol nya sakin at sempree libre naman pumayag na ako hehehehe sabi ko nga mas masarap kapag libre. "Sige, saan?", tanong ko at agad naman syang sumagot. "Sa amusement park", sagot nya kaya tumango nalang ako naisip ko si Shara kaya tinanong ko ulit sya. "Sama kaya natin si Shara?" Tumango naman sya at sumagot "Oo sige maganda yan." Yun bonding naming tatlo to kaya dapat walang sisira at hindi namin dapat kasama ang mga bebe namin.

Ehee may bebe na ako

Pumasok na si ma'am fernandez at sempre nandito nadin yung tatlo na pumunta daw sa cafeteria, nag announce si ma'am na lahat kami ay pumunta na ng gym dahil mag uumpisa na kaming mag practice para sa graduation na gaganapin sa katapusan ng buwan na ito. Tumayo na kami at akmang lalabas na ng biglang magsalita si ma'am. "Haru, Hero, Harold, Shara, Lucielle, and Misty maiwan muna kayo dito dahil may pag uusapan tayo." Kinabahan ako bigla dahil baka sabihin ni ma'am na I'm sorry to tell you pero lahat kayo ay hindi gagraduate waaaaah wag naman sana kundi yari ako nento kila mama huhuhuhu.

Lagooooooot

Umupo ulit kami sa kanya kanya naming upuan at hinintay si ma'am na magsalita, katahimikan muna ang namayani sa aming lahat bago naisipan ni ma'am na magsalita. "Kaya ko kayo pinaiwan dito dahil gusto kayong makausap ng principal natin." Yung Tita nila Haru at Hero pero bakit? Bumukas ang pinto at niluwa nun ang magandang babae na sa palagay ko ay yung principal namin at Tita nila Hero. Binati namin sya at ganun din sya samin. "Aunt Cassandra why are you here?", takang tanong ni Haru kaya tumingin sakanya yung Tita Cassandra nya. "Hi Haru, I'm here to tell all of you something", sagot naman nya sa tanong ni Haru. Eto na naman yung kaba ko shett baka mamaya eh sabihin nya na hindi kami gagraduate waaaaah ayoko na sa earth.

Gusto kaba ng earth?

"Since the final battle is coming the judges decided that the members of the band should be 6", paliwanag ng principal namin kaya lahat kami ay nagtinginan. Anim na dapat? ang corny naman nila masyado tsarot. Light bulb may naisip ako at for sure maganda ang kakalabasan ng performance namin, nagtaas ako ng kamay para makuha ko ang atensyon ng principal lumingon sya sakin at nagsalita. "Yes Ms. Fuentabella, any suggestions?" Wow kilala nya ako pero hindi na ako magtataka principal nga pala sya.

Shunga ka?

"Kami nalang pong anim ang mag peperform", suggest ko at tumingin naman sakanila. Tumatanggi pa si Misty at Harold pero wala na silang magagawa dahil sumang-ayon na ang aming magandang punong-guro. "That's good idea Ms. Fuentabella, hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng pamangkin ko dahil bukod sa ganda mo ay matalino ka pa", puri nya sakin na ikinamula ng pisngi ko.

Laaah Tita naman eh ay este Ms. Principal

Tumingin ako kay Hero at nakangiti lang sya sakin, umiwas ako ng tingin at nag focus naman sa harap. Nagpaalam na si Ms. Principal samin kaya pinapunta na kami ni Ma'am Fernandez sa gym, habang naglalakad kami ay inaasar asar naman ako nentong mokong na Haru na'to. "Ayiee pinuri sya ni Tita Cassandra", pang-aasar nya sakin sabay sundot sa tagiliran babatukan ko na sana sya kaso nagtago sya sa likod ni Shara. Tsss duwag kalalaking tao eh, inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang marating na namin ang gym ay pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante, yung iba kinikilig, yung iba naman nag bubulungan. Para kaming mga sikat na hollywood couples.

Nuckss artista yarn?

Umupo na kami sa section namin at nag umpisa na ang practice sempre isa isa ng tinawag ang mga section pero dahil section 1 kami ay kami na ang nauna. Pare-parehas lang naman ang concept tuwing nag papractice, tatawagin ang pangalan nyo by surname tapos hanggang sa matapos and then kapag natapos ng tawagin lahat ng section ay susunod naman ang may mga honors at awards at sempree hindi mawawala yung valedictorian at salutatorian pero ang kinaibahan naman dito sa university namin hindi nila binabanggit or sinasabi ang mga may honors, awards, valedictorian, at salutatorian dahil surprise daw tsaka para intense. Ohh diba pak na pak sa pasabog.

Pasabugin ko kaya tong university, tsarot

Ilang oras ang practice kaya inabot na kami ng uwian pinabalik na kami sa kanya kanya naming room at kinuha ang mga bag at naglakad na palabas. Sinabi ko din kay Misty na bukas nalang kami mag bonding dahil pagod na pagod kami sa practice sumang-ayon naman sya at nagpaalam na. Ihahatid sya ni Harold tapos ihahatid naman ni Haru si Shara buti nga okay na sila ng parents ni Shara eh kaya pwedeng pwede na sya pumunta kung kailan nya gusto, nakakatuwa lang isipin na kaya din palang umintindi ng magulang ni Shara akala ko tuloy mga makasarili sila.

Judgementol ka self

At sempre dahil may shota nadin ako ihahatid naman ako ni Hero sa bahay namin sumakay na ako sa kotse nya at habang nasa byahe ay nagtanong sya. "Hon saan ka mag cocollege?", tanong nya sakin at sumagot naman ako agad "Sa La Salle University, sa pinapasukan ni Kuya ngayon." Tumango naman sya kaya nagtanong nadin ako "Eh ikaw hon? saan ka mag cocollege?" Nilingon nya ako ng maganda ang ngiti na abot tenga, may nasabi ba ako? "Bakit ganyan itsura mo?", takang tanong ko at natawa naman sya. "Nothing, sa ADMU naman ako mag e-enroll pero hindi pa sure", paliwanag naman nya kaya tumango tango nalang ako. Narating na namin ang bahay at baba na sana ako ng bigla nya akong pinigilan. "B-bakit?", takang tanong ko. Ngumuso naman sya at nagsalita. "Kish ko muna." Natawa ako sa itsura nya kasi para syang bata na nanghihingi ng kiss sa mama.

So mukha akong nanay ganurn?

Umiling nalang ako at nilapit ang mukha ko sabay kiss sa nguso nya nagulat ako dahil hindi lang basta kiss ang nangyari, hinawakan nya ang ulo ko at diniin ang mukha ko sa kanya at gumalaw na ang labi nya ayaw ko pa nung una pero kusa nalang din gumalaw ang labi ko, ilang minuto kaming ganun hanggang sa kumawala na kami at habol ang hininga. "Sabi mo kiss lang bakit may ganon?", sabi ko sakanya at hinampas ang braso nya. "Sorry na hon, namiss ko lang kasi eh", sagot naman nya habang naka nguso. Nakoooooo naman ang gwapo na nga tapos ang cute pa. "Cheeee balakajan, bababa na ako", sabi ko at bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng pigilan nya ako. Ano na naman!? "Galit ka?", tanong nya. "Hindi, nabigla lang ako sa ginawa mo nakakainis ka", angal ko sakanya at tumawa naman ang loko. Nakakatawa yon? "Sorry ulit", hingi nya ulit ng tawad at tumango nalang ako. Bumaba na ako at isasara na ang pinto ng bigla na naman syang nagsalita. "I love you hon." Ngumiti naman ako sakanya at sumagot. "I love you too hon, mag iingat ka ah." Ngumiti naman sya at kita ko ang pagpula ng pisngi nya, ang cuuuuteeeeeee!!!!! Sinara ko na ang pinto at pinaandar na nya ang kotse, sinundan ko lang ng tingin ang kotse nya at ng mawala na sa paningin ko ay agad na akong pumasok sa loob habang hawak hawak ang mga labi na hinalikan nya kanina at iniisip ang nangyari.








Sherep talaga ng humalik ay mali hahaha

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon