Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay bigla akong nagising. Kinuha ko agad ang aking selpon saka ko tiningnan ang oras. Alas otso na ng gabi.Agad akong tumayo na nakayakap ang mga bisig sa bewang ko. Agad akong pumasok sa walk in closet at kumuha ng pampalit na damit. Naka sleeveless ako at gabi na giniginaw ako at nag iinit ang katawan, may sakit ako pero gusto ko syang makita at puntahan.
Kumuha ako ng kulay blue tie dye sweater saka ako kumuha ng black High waist pants. Kinuha ko yung white na cap saka ako dumiretso sa cr.Nagpalit muna ako ng napkin saka ako nagbihis. Giniginaw ako sa bawat pagdampi ng malamig na tubig.
Nang lumabas ako sa cr ay agad kong sinuot yung suot kong sneakers kanina na nasa lapag ng kama ko. Napatingin ako sa balkunahe at umuualan na nga. Bumalik ako sa walk in closet at naghanap ng payong ron. Agad kong kinuha yung plain black fold umbrella saka ko muling isinabit sakin yung white sling bag ko. Nilagay ko yung selpon ko run saka ko chineck kung andun paba yung wallet ko.
Dumiretso na agad ako sa baba saka ako dumiretso sa kotse. Hindi na ko nagpaalam kay manang dahil baka hindi ako payagan nito. Sinimulan kong paandarin yung kotse sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Hanggang sa makarating nako sa Chilochick. Medyo basa basa ang ilang parte ng sweater ko dahil sa pag ampiyas ng ulan.
Dumiretso agad ako sa taas ng chilochick kung saan kumakanta sina Ozen. Humanap ako ng bakanteng upuan habang hinihigit higit ko pababa yung sumbrelo ko. Nang makahanap nako ng upuan ay saka ko sila pinagmasdan. Si Ozen at Kisha na vocalist si mark na drummer, si Drae, Angelo at John na guitarist. Napayakap nalang ako sa sarili ko habang pinagmamasdan sila. Nang may lumapit sakin na isang waiter para kunin yung order ko. Umorder nalang ako ng buffer chicken.
Kinuha ko yung selpon ko at palihim silang vinivideo. Mukhang bagay nga sila parehas vocalist pero kaya ko rin namang kumanta ah. Nang matapos silang kumanta ay nagpalakpakan at nag si ingayan ang mga tao. Bumaba na sila sa stage pero nagpaalam na si Kisha na
"Yun na yon maraming salamat sa pagtangkilik sa amin...Sa uulitin." masaya nitong anya. Nag si ingayan ulit ang mga tao.
Nang makababa na sila ay nagkatinginan kami ni Angelo na kaklase ko. Lumihis ako ng tingin sa kanya. Nang ituro nya ko sa mga kasama nya saka ito lumapit sakin.
"Oy andito ka ulet." ani nito sakin. Hindi kami ganun kaclose pero ang fc nya.
"hmm."
"Tara dun ka sa lamesa namin tutal naman simula ngayong buwan bilang na yung mga araw na magkakasama tayo. "
"Hindi na."
"Pumayag kana minsan lang to saka para hindi kanarin nagsosolo dyan." biglang dating nung inorder kong pagkain.
"Kuya pakidala nalang don." ani ni Angelo namay pagturo sa lamesa nila.
"Pero diba masama pakiramdam mo bat andito ka?"
"ok na ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/226099185-288-k622789.jpg)
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
Roman d'amourEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...