Ciel's POV
Naniniwala ka ba sa Love at first sight? Yung tipong unang kita mo palang daw dun sa tao alam mo ng boom tinamaan ka na tinatamaan kanapala Pero pano namang mangyayari yun diba? Paano mo masasabing mahal mo yung isang tao unang kita palang. Panong mahal agad hindi ba pwedeng pag hanga lang oh kung ano mang kaechusan sa katawan? Lahat ng muting katanungan ay nasagot nung nakilala ko si Azrie Evins Bendo.
Unang araw ng pumasok siya sa pintuan ng aming classroom tila nagliwanag ang madilim na lugar ng tumama ang mga mata ko sa kanya. Hindi kagaya ng iba bumibilis ang tibok ng puso pag naiinlove? Oh nakikita ang crush nila pero sa pagkakataong yun tila hindi ko yata marinig ang bawat pagtibok at pagpintig ng puso ko. Hanggang sa humarap sya sa harapan at nag pakilala
"Hi im Azrie Evins Bendo" hindi na baling sa iba ang aking paningin at tiningnan sya ng masinsinan at ng ngumiti ka ang natutulog kong puso ay tila gustong sumabog sa sobrang tuwa at gustong kumawala. Sa sandaling iyon hindi kana na wala sa isipan ko.
Pagkatapos niyang magpakilala ay malawak na ngiti ang sinalubong ko sa kanya sabay sabing " Hi. Ciel nga pala" Ngumiti ka rin sakin at tumango bago pumunta sa upuang naka assign sayo. Mula nung araw nayun. Excited palagi akong pumasok at makita sya kahit hindi ako makasingit sa mga kaibigan nya. .
"Hi, Mag isa kalang?" ani ko nung makita sya na mukhang bahala sa parking lot sa school. Sinabi nya sakin na. "Hinihintay ko kasi yung boyfriend ko" Sa mga oras na yun ay biglang nawala ang mga ngiti saking labi. May boyfriend na pala. Umiling iling ako at sana ay aalis na nang yayain nyako.
"Ah nag lunch ka na? Gusto mo bang sumabay sa'kin?" hindi agad nag proseso ang sinabi nya sakin kaya nangiti nalang ako at tumango. Sumakay kami sa kotse ko at nag tungo sa isang malapit na Resto. Nag kwentuhan kami magdamag habang hindi pa dumarating yung pagkain namin. Kahit puro patungkol sa boyfriend nyang hindi sya sinipot kaya ako yung nasa pwesto nya ngayon ay nakikinig ako. Medyo may kirot na nararamdaman pero ayos panaman.
Pinagmamasdan ko kung paano siya kumain. Bawat galaw nya ay parang nirerecord ng mga mata ko sabay sabi sa isip na. Sana mapanaginipan kita mamaya.
"may dumi ba sa mukha ko?" seryoso nyang anya habang nakatingin sakin. Nginitian ko lang sya at umiling. Tinapos namin ang pagkaing mag kasama at bumalik mag kasama sa school
Nag paalam nako na uuna na sa kanya pag kababang pag kababa palang sa parking lot. Kahit gusto ko pa syang makasama ng mga oras na yun ay hindi pumayag ang tadhana or should i say may sagabal at yun ang kamiyembro ko sa isang club na kailangan daw mag meeting.
Dumaan ang mga araw at napansin kong malungkot ka. Hindi mo napapansin na lagi akong nakatingin sayo pero napapansin na ng iba.
"Bro baka matunaw" natatawang ani sakin ng kaklase kong lalake tinawanan ko lang naman sya at tinapik sa braso saka lumapit kay Azrie nangunot pa yung noo ko ng makita syang ngiting ngiti na nakahawak sa selpon.
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
Roman d'amourEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...