Ilang linggo ring nakalipas at eto ako ngayon. Alas kwatro mag aalasingko ng hapon. Nakatayo sa gilid ng isang white monoblock chair habang pinagmamasdan ko ang mga tao na nagiiyakan habang inihahagis ang kulay puting rosas sa kanyang hukay. Eto na yun ang katibayang wala na nga sya.
Lumapit ako sa pwesto nina Ilra. Zairi at Nyls na nagpipigil ng hikbi ngunit ang mga luha ay tuloy sa pag daloy. Pinahid ko ang mga namumuo muong luha sa akin mata saka tumingin sa kalangitan saka tumingin muli sa pwesto nina Ilra. Totoo pala yung sinabi ni Nyls nung minsan na nasasaktan rin sila at may pakialam rin sila kay Azrie. Bakit nga ba mawawalan, Kaibigan nga rin naman nila si Azrie. Nung una iniisip ko talaga na wala silang pakialam ngunit ang makita ang kalagayan nila ngayon. Habang ibinababa ang iyong kabaong. Isa lang ang masasabi ko Azrie. Minahal ka nila.
Napatingin ako sa kanang direksyon makikita mo dun si Gae at ang iba ko pang mga kaklaseng lalaki na pinapakalma si Ciel sa pag iyak. Napahawak ako sa dibdib ko at nangako na'ko sa sarili kong hindi na'ko iiyak. Hindi muna ko iiyak kailangan kong mag pakatatag kahit hindi makatwiran ang ginawa mo Azrie.
Naglakad ako papunta kayna Mommy, Tita Riella, Tita Emy na kasama na ngayon ang tunay na ama ni azrie at ang dalwang kapatid nitong galing pang Paris. Medyo malayo sila sa pwesto ng mga tao at medyo nasa dulo pa sila ng sementeryo kaya naman ilang minutong paglalakad pa sa damuhang daan ang ginawa ko bago makalapit sa kanila.
" Ano na namang ginawa mo!?" bago pako tuluyang makalapit sa kanila ay nakarinig na'ko nang malakas na sigaw mula kay tito Tan tunay na ama ni Azrie kaya agad akong natigil sa paglalakad at nakinig.
"Inuna mo pa kasi yang kakirihan mo kesa sa anak natin!"
"Kung nababantayan mo sana kasi sya ng maigi edi sana hindi nangyari to!"
"Anong klase kabang ina!? at putanginang kabit mo na yan! Anong karapatan nya sa anak ko! Anong karapatan nya kay Azrie huh! Naghahanap ba talaga sya nang gulo! "
" Tan ano ba tama na may mga bata!" rinig kong sigaw ni tita Emy habang si Mommy ay yakap yakap ang humahagulgol na si tita Riella.
" Hindi Emy. PInayagan ko na sya na dun na sya sa kabit nya! Dahil sabi nya dun sya masaya! DUN KA MASAYA DIBA!?" hInawakan ni tito Tan si tita Riella sa dalwang braso at bahagyang nawala ang mga kamay ni mommy sa pagkakayakap kay tita Riella ng higitin ito ni tito Tan.
" It was a mistake Tan. You know that,"
"You still chose to be with him."
"Cause i need him Tan."
"At ako?" napailing iling si tito Tan at pinahid ang kanyang mga namuong luha ng hawakan sya ng dalawa niyang anak na nasa edad siyete at nuwebe palang yata. Hindi sya nakarinig ng sagot kay tita Riella kaya naman napapikit ito at napa suntok sa hangin. Habang ang dalawang anak nito ay nagpipigil na ng mga luha.
" Kahit yung anak nalang natin. Anak na lang natin! Mahal mo naman yung anak natin hindi ba!?"
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
RomanceEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...