CHAPTER 12

226 50 16
                                    



"Anak may pupuntahan ka mamaya ha." napatingin naman ako kay mommy


Habang pinapalamanan yung tinapay. Nasa dining area kami ngayon nag mimiryenda. Kami lang ni Mommy dahil asa trabaho pa si Daddy pero maya maya rin ay paalis na ulit si mommy maiiwan na naman ako dito sa malaking bahay.


"San punta ko?" curious na tanong ko.


"Basta may susundo dito sayo mamaya. Magpaganda ka naku"


"Sino pong susundo?"


"Secret" maloko pa syang ngumiti kaya naman kumunot yung noo ko.


"Oh alis na ko ah bye....mwah" anya habang nakatuon ang mga mata sa kanyang selpon Sabay halik sa aking pisngi.


"Already?" malungkot na tanong ko.


"Yes, Already, I need to go now anak" at saka sya nag madaling lumabas ng bahay. Binaling ko naman ulit ang tingin ko sa tinapay sa kamay ko at kinain habang naglalakad ako papunta sa kwarto. Wala pako sa pinto ay naubos ko na ang tinapay kaya marahan kong pinagpag ang kamay ko sa isat isa bago pumasok sa aking kwarto. Pag kapasok ko ay agad akong pumasok sa walk in closet at kumuha ng pambahay na damit dahil naka uniform parin ako. Alas tres ay nag uwian na kaya maaga akong umuwi pero ilang mga minuto ay nilaan ko muna kayna Nyls. Sa mga tropa ko.


Pag kalabas ko sa pagkakabihis ng pambahay sa Cr ay agad akong nahiga sa kama. Wala na naman akong kasama. Manonood sana ko ng movie sa Netflix dahil yun lang ang libangan ko tuwing naiiwan ako ng solo dito sa bahay ng muling sumagi sa isip ko si Azrie.


"Kamusta na kaya sya?" tanong ko habang ang mga mata ay nakatingin sa kisame ng kwarto. Bumangon akong muli at kinuha yung selpon ko sa dressing table at agad dinial ang number ni Azrie.


THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS UNATTENDED PLEASE TRY AGAIN LATER.


Bat unattended? Inulit kong muli ang pagtawag. Nag babaka sakaling sasagot sya at maisipang bumalik na lang dito sa bahay. Kainis bat ba kasi wala kong kapatid.


Inulit ko pa ng mga tatlong beses pero wala talaga. Walang sumasagof. Asan naman kaya yun at hindi sumasagot sa tawag ko? Nahiga nalang ulit ako sa kama at muling tumingin ng ilang minuto sa kisame saka kinuha yung laptop ko sa side table na upo ako sa kama habang humahanap ng mapapanood sa Netflix. Ilang segundo lang ng paghahanap ay nakapili nako at sinimulan ko yun panoorin. Iyak tawa na naman ako sa napili kong istorya habang pinapanood ,'to.


"Maam may nag hahanap ho sa inyo"


Pinause ko muna yung movie na pinapanood ko habang nasa gitna ako ng pagtatapos.


"Sino daw!?" pasigaw na tanong ko.


"Si sir Gae po maam!" napatitig naman ako sa kung saan sa kwarto at nangunot ang noo. Gae? What is he doing here? Agad akong nag lakad sa pintuan ng kwarto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang bagong kasambahay at si Gae na maayos na nakataas ang buhok. Nakasuot sya ng simpleng white T-Shirt along with his dark blue colored denim jacket. He also wears a black rip jeans and a white rubber shoes.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon