CHAPTER 8

335 120 38
                                    



Azrie's POV



"Ano may date na naman kayo ni Ray?" inis na tanong sakin ni Ilra. Tumango lang naman ako sa kanya.


"Ayy Wow. Ang dalas ah"


"Sige na aalis na'ko"


"Hindi ka mag papaaalam kay Eidel?"


"Wag na busy yun sa manliligaw nya" natatawa ko pang anya saka sya kinindatan at tinalikuran.


Pumunta kong highway at dun nag abang ng masasakyan. Ang totoo nan. Hindi naman talaga kami laging nag dadate ni Ray palusot ko lang yun sa mga kaibigan ko para mapuntahan at masilip ko si Ray sa School nila kasi laging bigo. Hindi ko sya makita.


Nakatitig ako ngayon sa building nila. Hintayin ko na lang siguro siya dito sa labas. Oh puntahan ko kaya sya sa room pero baka may ginagawa wag na lang pero namimiss ko na yung tao, pero wag na nga lang baka makaistorbo pako sa kanya.


Ilang minuto lang ay naglalabasan na sila nagtago ako sa isang malaking puno patungo sa labasan.


Nung nakita ko na sya ay hindi maipaliwanag na saya ang aking nadama. Finally. Sa mga nakaraang araw na hindi ka makita at nakasama ngayon makakasama na rin kita.


Lalapit na sana ko nung may lumapit sa kanyang babae. Nangunot ang noo ko. Sino naman yun?


Hindi na muna ko lumapit at pinagmamasdan ang mga galaw nila mukhang masaya silang pareho nakakapit pa sa braso ni Ray yung babae kaya mas nag init ang ulo ko.


Hindi mapaliwanag na kaba ang biglang kumawala sakin.


Kinuha ko yung selpon ko at paulit ulit tinatawagan si Ray pero paulit ulit lang rin nyang pinapatay ang mga tawag ko.


Pinagmasdan ko sina Ray at yung babaeng maupo sa isang mahabang upuan at sa likod nun ay isa pang puno.


Pinagmamasdan ko silang naghaharutan at nagtatawanan. Ayoko munang lumapit gusto ko sanang isupresa si Ray pero ako yata yung na susupresa ngayon. I smirked.


Bumibigat na ulit yung pakiramdam ko at pinigilan ang namumuong luha sa aking mga mata pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong kaibigan nya lang yon oh kakilala.


Kaibigan nya lang yon


No big Deal


Relax


She's just a friend.


Fuck. It's no big deal. She's just a friend right? Right?. Ramdam ko ang pag babanta ng luha saking mata.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon