CHAPTER 30

68 8 1
                                    



" Ano papasok ka na bukas?" tanong ni Ilra kay Zairi.


Andito ulit kami ngayon sa hospital habang ako heto. Seryosong nakapatong ang kanang kamay sa kama ni Zairi nakahalumbaba.


" hmm. Makakauwi na ko mamaya."


" Buti naman." ani ni Nyls


" Nga pala Zairi kapartner mo si Gae sa subject ni Ms. Rin huh!" -Ilra


" What!?" dahan dahan kong pinihit ang ulo ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Zairi.


" Bat ka sumisigaw?" walang kamuwang muwang na tanong ko. Sa lalim ng iniisip ko kanina hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila.


" Si Gae ang partner ko!? " iritang ani nya. Nangunot naman at sumeryoso ang mukha ko.


" Bat ganyan kang mag react?" seryosong ani ko. Biglang nagulat ang kanyang mukha at umiwas ng tingin sakin.


" kase bat ako eh ikaw naman na." mariin at iritable ang kanyang pagsasalita.


" Anong ibig mong sabihin Zairi?" tanong ni Nyls.


" Oo nga girl nalilito nako sayo. May sakit ka pa yata. tingin nga." aktong ipinatong pa ni Ilra ang kanyang palad sa noo ni Zairi.


" Wala.....ano....hindi ko sya close saka.....awkward....tama awkward kasi boyfriend sya ni Eidel."


"Sus nakasama na naman natin ssi Gae. Mahihiya ka paba saka eh ano naman kung boyfriend na sya ni Nyls wag mong sabihing aagawin mo?" mapanuksong ani ni Ilra.


" Ilra that's not funny." ani ni Nyls at linapitan si Ilra.


" Ano....aayusin ko pa pala yung mga gamit ko...alis na muna kayo."


" Ah we can help you." ani ni ilra.


" H--hindi na...kaya ko na.."


" Sure ka?" tanong ko. Tiningnan naman nya ko saka sya nangiti at tumango.


" Oo."


" Oh sige tara na nga!" ani ni Ilra at nagpaumunang lumabas.


" Una na kami Zai." malambing na ani no Nyls saka sumunod palabas kay Ilra.


" Una narin ako." ani ko pero hindi na sya tumingin sakin at parang may iniisip na malalim. Hindi ko na lang rin sya pinansin at naglakad narin palabas.Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Zairi ay nag chichikahan na yung dalawa sa labas.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon