CHAPTER 33

51 8 4
                                        



Bumalik ako sa upuan kung san nya ko iniwan kanina at sinabihang mag-intay. Nagpipigil ako ng luha pero d ko magawa kaya kumuha ako ng tissue na karatig ng wine nasa gitna ng lamesa saka ko pinunasan ang luhang tumutulo saking mata. Nilingat ko ang aking mata para hanapin sina Nyls at Ilra.


' Asan na ba kasi sila?'


Habang hinahanap ko sila gamit ang aking mata ay nabaling ang tingin ko sa isang mini bar nakatayo sa isang white rental tent. Tumayo ako at agad pumunta ron. Tinanong nila ko kung anong gusto kong inumin pero d ako masyado pamilyar sa mga nakikita kong alak ay tumuturo turo nalang ako ng alak na mukhang masarap. Sasalinan sana nila ko ng isang baso nito pero hiningi ko yung buong bote at bumalik na sa inuupuan ko kanina.


Busy ang lahat sa kani kanilang usapan kaya wala masyadong nakakapansin saka isa pa ang puwesto ko ay asa dulo at wala masyadong tao dahil ang karamian ay nasa bandang unahan oh gitna kung nasan yung may birthday.


Sinimulan kong tanggalin yung takip nung bote at nung natanggal ko na ito inamoy ko naman kung anong amoy nung alak agad akong napatakip sa ilong ko. Ang tapang. Nilagyan ko nalang agad yung baso ko saka sinimulan itong inumin. Agad akong napaubo pero wala kong pake pinag patuloy ko lang ang pagiinom hanggang sa makakalhati nako. Naiihi nako kaya hilong hilo kong tumayo at naghahanap ng cr.


" Oyy kanina ka pa namin hinahanap!" may babaeng humawak sa balikat ko. Papikit pikit ko itong tiningnan.


" S--sino ka?" Aaad naman ako nitong binatukan.


" Aray!"


" Ilra Teh ako to si Ilra! Teka nga bat ba kasi lasing ka!?"


" ILRA!" agad ko tong pinagyayakap at isinisiksik ang ulo sa balikat nya.


" Uy umayus ka nga pinagtitinginan tayo boba!" tsk.


" N--naiihi na ko." ani ko saka nagsimulang maglakad papapunta sa cr.


" San ka punta!?" habol nya sakin.


" N--naiihi nga....."


" Ah ay tara samahan kita."


Nang makapasok kami sa loob ng comfort room ay agad akong pumasok sa isang cubicle at umihi. Palabas na sana ko nung bigla kong nasuka sa sahig.


" Yuckkk huy d to ka pa nag kalat kadiri! " inirapan ko naman si Ilra saka ko papikit pikit na kinuha yung mop. SInimulan kong linisin yung suka ko saka ako yumakap kay Ilra.


" Uwi mo ko."mahinang ani ko pero alam ko namang narinig nya.


" wala ka namang dalang kotse!" pumikit lang ako. Inaantok nako.


" Pahatid kita kay Gae." nagmulat ako ng mata saka tumawa ng tumawa. Kumalas ako sa pakakayakap sa kanya saka ako tumingin sa salamin na nasa tapat ko. Naghilamos ako ng mukha ng paulit ulit.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon