CHAPTER 37

47 5 2
                                    



Nakahalumbaba ako habang pinapakinggang magreport sina Gae at Zairi nung gawa nila. Sa totoo lang masama ang pakiramdam ko ngayon. Pinilit ko lang rin talagang pumasok pero ngayong umaga lang. Dahil naisip kong bisitahin ang puntod ni Azrie mamayang 3pm.


Nabaling ang tingin ko kay Ozen ng mapansin ko itong patagong nagseselpon. Napabuntong hininga lang ako saka ito tinitigang magkakapa sa selpon nya panay ngiti ito, kaya naiinis na naman ako, napahawak ako sa puson ko dahil mas kumikirot ito kesa kahapon.


Napaubob naman ako sa lamesa pero nakatingin pa rin kay Ozen ang paningin. Walang tigil ito sa pagpipigil ng ngiti. Tiningnan ko naman ang ilan sa mga tropa nito na kabanda nya rin na naririto sa section namin. Panay ngiti rin sila at nagpipindot sa selpon. Ano kayang meron?


Hindi ko namalayang tapos ng mag report sina Gae dahil humarang na ito sa pinagmamasdan ko. Umiwas ako ng tingin kay Gae na naka ubob parin sa desk.


"Something's wrong?" ani nya sabay upo. Iniling iling ko lang yung ulo ko.


"humarap ka nga sakin." utos nya. Binaling ko naman agad ang ulo ko rito.


" Bakit?" walang ganang tanong ko. Hinawakan nito ang aking noo saka pinisil ang pisngi ko. Inis ko yung tinanggal.


"Sakitin ka talaga kahit kelan." agad itong may kinuha sa bag nya na gamot at inilahad sakin.


"john lloyd ka talaga." natatawa kong anya rito.


" Bibili muna kong tubig sa baba. " tumango lang ako rito.


"Ms. Eidel. Anong nararamdaman mo?" nasasaktan po.


Itinaas ko naman yung ulo ko kay Ms. Rin saka ako umayos ng upo. Nagpaalam nga pala muna si Gae para makabili ng tubig. Haysst. Nakatingin na sakin ang iba kong mga kaklase pero hindi manlang ako nabalingan ng tingin ni Ozen.


" Medyo masama lang po yung pakiramdam."


" gusto mo bang pumunta muna sa clinic?"


" Hindi na po. Ok lang." tumango naman ito saka nagpatuloy sa pagdidiscuss. Inayos ko naman ang notebook ko saka ako nagsulat ng mga bagay na sinasabi ni Ms. Rin na naka assign sa morning class ngayon.


Pagpasok ni Gae ay tumango muna ito kay Ms. Rin saka lumapit sakin. Pinagmasdan ko naman si Zairi na nakatingin ulit samin. Pasensya kana huh. Ang layo nyo kasi sakin. Edi sana kayo nalang ang nauutusan ko, saka hindi ko naman inutusan si Gae. Nagkusa sya at kung karatig ko kayo ngayon, baka si Nyls lang ang mautusan ko oh ang magkusa.


" Kainin mo muna to saka ka uminom ng tubig." abot nya sakin ng isang sandwich.


" kakain ako habang nagkaklase si Ms? Sira bawal." inismiran naman ako nito saka sya nagtaas ng kamay at tinawag si Ms. Rin.


Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon