CHAPTER 21

133 21 5
                                    




"Oh tapos na kayo mag remedial?" tanong ni Nyls saming dalawa ni Gae. Bago pa kami makapasok ng pinto sa classroom. Tila wala pa yata ang sunod na Lecturer at nagkakagulo pa ang mga tao.


Tumango lang si Gae sa tanong ni Nyls at ako naman ay nag thumbs up lang.


"Nasagutan mo naman ba girl?" paglapit ni Ilra samin habang may nginunguyang mamon.


"Ako paba!" masayang ani ko ng marinig ang pag hagikgik ng tawa ni Gae. Kaya nilungon ko sya at tiningnan ng masama.


"What?" natatawang ani nya. Inirapan ko lang sya at tumingin na ulit kayna Ilra.


"Bat wala pang Lecturer?" tanong ko kay Nyls.


"May meeting daw mga grade 12 teachers. Awan ko nga bat hindi pa tayo pinapalabas eh tamo yung iba saka sina Ericka nakalabas na." - Ilra


"Puntahan kaya natin adviser natin?"


"Hayaan mo na yung president." ani ni Ilra habang ngumunguya nguya parin.


Naglakad na kami papunta sa upuan ko. Doon muna sila na upo sa mga bakanteng upuan dahil ang ibang estudyante ay busy rin sa pagchichikahan sa kani kanilang grupo.


"Monthly exam na bukas." seryosong ani ni Zairi habang naglalakad papalapit sa amin. 31 na pala bukas hindi ko man lang namalayan sa dami ng mga pangyayari.


"Bukas na nga pala 'yon." ani ko at napakagat sa ibabang labi. Babagsak na naman yata ko.


"Hala hindi pa'ko nag rereview!"ani ni Nyls.


"Sus kahit naman hindi ka mag review pumapasa ka eh! Sa likod mo ko bukas ah pagaya ko."


"ILRA puro ka biro. Alam naman nating mas magaling ka ken. "


"Oo nga pero two brains are better than one." buti pa sila.


"Ayoko. Mahuli pa tayo."


"Osige ikaw bahala." muling ani ni Ilra. Napataob nalang ako sa desk habang may hawak hawak na silang kani kanilang notebook sa mga kamay at nagtatanungan.


"Hoy Eidel makireview ka naman kaya ka bumabagsak eh!" sigaw sa akin ni Ilra. Epal nakikinig kaya ko!


"Nakikinig ako!"


"Intindihin mo rin bobita!" ani pa nya sakin.


"Ikaw bobita!"


"Ah ako pa raw bobit ka talaga hahahah"

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon