CHAPTER 15

184 30 9
                                        



'Dead on arrival'


'Dead on arrival'


'Dead on arrival'


nag paulit ulit sa ulo ko yung mga sinabi nung babae kanina bahagya pakong napapikit at pinigil ang mga luha na namumuo sa aking mata.


"Aalis na'ko."ani ko saka nag madaling tumakbo rinig ko pa ang mga sigawan nila.


"Eidel!"


"Eidel!"


"Bumalik ka rito hoy!"


"Manong palabasin nyo na po ko please" halatang may gulat sa kanyang mga mata nung makita nyang luhaan ang mga mata ko pero agad napaltan ang gulat niyang mukha ng nangungunoot na noo.


"Bawal pang lumabas abay hindi ka ba nasabihan. Lahat nang estudyante ay nasa field na. Hala hayo na dun.....dun" bahagya nya pa kong tinutulak tulak.


"Manong Emergency asa hospital ang pinsan ko" bahagya naman siyang napakamot sa ulo at umiling iling.


"Wala na bang ibang dahilan aba'y yan din ang palusot sayo nung nauna ah. Malas mo nga lang sya nakalusot at ikaw hinde. Hayu na ron." tinulak nya ulit ako at hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan nayong tumulo.


"Manong d-dead on arrival yung pinsan ko!"' pasigaw kong ani sa kanya bahagya pa tong napaatras sa lakas ng sigaw ko ay napapansin na rin kami nung ibang estudyanteng papunta na sa field. Bahagya pang tumigil yung iba para makiechoso.


"Manong palabasin nyo na nga kasi ako PWEDE BA!"maktol ko pa sa kanya habang umiiyak.


"Hindi nga ho pwede ma'am aba'y ginagawa ko lamang ho ang aking trabaho."


"EMERGENCY NGA!....EMERGENCY HINDI KABA NAKAKAINTINDI!?"


"Tama nayan nakakaistorbo ka sa ibang mga estudyanteng papunta sa field. Mahiya ka naman at kalakas lakas pa ng boses mo. Ano bang problema?" Ms Rin.


"Gusto po kasing lumabas Ms Rin eh ang utos sakin nang principal ay wala munang lalabas at may announcement pa nga raw po sa field"


"Pero MS Rin emergency to kailangan ko ng makarating sa hopital. Asa masamang sitwasyon ang pinsan ko!"halos pumiyok ako sa pag sasalita.


"Teka kumalma ka nga"


"Kalma? Pag nalaman mong dead on arrival yung pinsan mo kakalma kaba ha?" hindi ko na maiwasang ilabas yung namumuong galit sa dibdib ko.


Rose Of ThornsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon