CHAPTER 22

109 12 1
                                    




Nakabalik na ako sa bahay. Buhat buhat ko na si Eizen sa aking mga bisig. Naglalakad na kami ngayon papunta sa aking kwarto. Buhat buhat korin sa aking kanang balikat ang aking sling bag.


Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong ibinaba sa sahig si Eizen saka ko ibinaba sa kama ang aking bag.


Nagtungo ako sa walk in closet para kumuha ng damit pang bahay. Pag katungo ko sa walk in closet ay agad naman akong dumiretso sa cr para magbihis at maglinis na ng katawan. Nag lagay narin ako ng aking pang skin care routine at nagsuklay suklay ng buhok.


Pagkalabas ko sa banyo ay kinuha ko kaagad ang aking selpon at tiningnan kung may nag message ba roon.


Wala paring message si Ozen?


Kinuha ko na agad ang aking mga gamit sa pag rereview at nag simulang maglakad palabas ng kwarto. Pagkabukas na pag kabukas ko ng pinto ay tumakbo agad papunta sa'kin si Eizen at nag uungot na parang ayaw maiwang mag isa sa loob ng kwarto. Kaya naman nginitian ko ito at pinauna itong makalabas saka ko isinarado ang pinto.


Pabalik balik na tumatakbo sa akin di Eizen at tumatakbo palayo at muling babalik. Umiling iling naman ako habang natatawa. Ang cute. Pagkarating na pagkarating ko sa aming main balcony ay ibinaba ko muna ang aking mga gamit sa lamesa at inaayos ang mga ito saka ako muling naglakad patungong kusina sa baba. Binuhat ko na si Eizen gamit ang mga kamay ko at niyapos ito habang bumababa ng hagdan. Nang makababa na kami ng hagdan ay muli ko syang ibinaba sa sahig at muli itong nag tatakbo.


Sya lang pala kasama ko ngayon sa bahay. Asan si ate Nina? day off nya rin kaya.


Nagtungo na'ko sa kusina habang si Eizen ay naiwan sa may sala namay nginangatngat ngatngat na maliit na teddy bear


Binuksan ko ang refrigerator at nag hanap ng pedeng makain pero halos lahat ay lutuin. Hindi pamandin ako ganun karunong sa pagluluto. Sinarado ko nalang ulit yung ref at nagtungo sa bread section. Kumuha ako ng mamon don at saka ako kumuha ng baso at muling binuksan ang ref para kumuha ng orange juice. Nang hawak ko na ang dalawa ay saka ako muling naglakad pataas.


Asa hagdan na'ko ng maalala kong asa baba ngarin pala si Eizen. Lumapit ako sa sala kung saan nasan sya. Busy paren sa pag ngatngat. Ipinatong ko muna ang babasaging baso at yung mamon sa center table saka ako lumapit kay Eizen at binuhat ito. Niyapos ko sya gamit ang aking kaliwang kamay saka ko kinuha ang mamon at isiningit sa mga bisig ko. May plastic pa naman kaya hindi madudumihan. Kinuha ko na rin ang baso at nagmadaling umakyat.


Pagkatapak na pagkatapak ko sa taas namin ay agad kong ibinaba si Eizen sa sahig at inayos ang dala ko saka ako nagtungong main balcony.


Umupo muna ako saka ko tinanggal ang plastic ng mamon. Nang may naalala ako may tinake out nga pala akong pagkain kanina. Asa kotse pa.


Bumaba ulit ako pero hindi ko na sinama si Eizen. May iniwan na lang ako sa kanyang laruan. Nag tungo ako sa labas ng bahay at dumiretso sa kotse. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at kinuha ang supot na pinaglalagyan ng pagkaing itinake out ko kanina.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon