Ang ingay napakamot ako sa ulo ko at hinanap ang selpon ko. Nung makita ko ito. sa may gilid ko ay agad kong pinatay ang alarm nito.
"Shet s--seven na!" Ay shet paos. Sakit ng lalamunan ko sa rami ba ng sweets na nakain ko kagabi. Kagabi? Oh kanina basta yun.
Pag kacheck ko sa oras ay tumalon nako paalis ng kama at kumuha na ng towel at naligo. Nagmadali akong nagbihis at kinuha muli ang selpon ko at binuksan ito.
One Message from: 09488******
Goodmorning, kagigising ko lang kain ng marami pag alis.
5:35 am
Kain marami your face. Dinako mag uumagahan malalate na ako. Apaka agap namang gumising nito at kamalas malasan pang paos ako.
Nagmadali akong bumaba at pumasok sa kotse ko pero agad kong naalala si Azrie kaya bumalik ako sa loob ng bahay pero hindi ko sya makita. Asan na ba yung babaeng yun. Hindi ako makasigaw dahil tuluyan nakong nawalan ng boses at nasakit lalamunan ko pag umiimik ako.
Nakita ko si Manang kaya nag type ako sa Notes ko at pinakita jto kay Manang tinanong pa nya ko kung anong nangyari sa maganda kong boses ahe. Pero hindi ko na yun pinansin tinuro ko na lang nang tunuro yung nakasulat sa notes ko. Ang sabi naman nya ay sinundo si Azrie ng nobyo nya. Pag karinig ko nun ay agad akong tumakbo pa palabas at sumakay na sa kotse.
Kailan pa sila nag kabati? Mabilis kong pinaandar ang kotse at kaagad nakarating sa school. Mabilisan ko itong ipinark at tumakbo papunta sa room namin. Swerte kong naabutan ko si Ms na naglalakad palang papunta sa room at nasa likod nya ko. Sinabayan ko ang lakad nya hanggang sa makapasok sya sa room ay agad akong tumakbo sa upuan ko. Hindi nako nakabati ng Good Morning Miss sa kanya dahil sa pagkawala ng boses ko.
Pag kaupo ko ay kinausap ako ni Azrie
"Bat ngayon ka lang?" tanong nya. Humawak naman ako sa lalamunan ko at sumenyas na wala kong boses at masakit lalamunan ko.
"Huh?" slow. Inulit ko ang pagsenyas sa kanya.
"Charades?" nilabas ko ang notebook ko sa subject ni Ms. at sinulat ang kondisyon ko rito.
"Ahh ok, ok" tatango tango nya pang anya.
Lumipas ang mga oras ay sumunod na ang kasunod na Lecturer sa tuwing matatawag ako sa oral recitation ay sinasabi ni Azrie ang kondisyon ko.
"Ok kalang?" tanong sa akin ni Gae ay may binigay saking water bottle. Tumango naman ako sa kanya at kinuha yon.
Tahimik lang akong nakinig sa lecturer pero kung hindi nawala boses ko ay mag dadaldal ako.
Hindi ko na napansin ang oras at 20 minutes break na. Inayos ko ang gamit ko at tumayo na.
"Zi ok kalang?" hanggang ngayon? Tumingin ako ng seryoso at diretso sa mata nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226099185-288-k622789.jpg)
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
RomanceEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...