CHAPTER 29

81 9 12
                                        


" Anong nangyari sayo. B--bat ang dami mong sugat?" tanong ko habang mahigpit parin ang kanyang pagka kayakap sakin.


" Miss na miss na kita." naluluhang ani nya. Parang nadurog ang puso ko sa tono ng pananalita nya. Nang kumalas na ang kanyang kamay sa pagkakayakap sakin ay tiningnan nya ko diretso sa mata. Napaiwas agad ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.


" Na miss mo ba ko?" parang batang may luha sa mata ngunit may ngiti sa labi nyang ani. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.


" Ang tagal mong nawala." mahinang ani ko.


" Pasensya na. Ngayon lang ako.....Pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung nahihirapan ka.......Sorry......Sorry." may luhang tumulo sa mga mata ko ng sabihin nya ang mga katagang yon. Tila ba binabalik ako sa mga napagdaanan ko nung nakaraan. Hindi ako nakasagot at pinahidan nalang ang luhang namuo saking mata.


" Bat hindi moko sinasagot! Tinatawagan kita kanina ah! Miss.....Na mimiss rin kita noh! Hindi ka man lang nagparamdam! Tas...Tas bigla ka nalang mag tratransfer out!"


" Babe!" napatingin ako sa likuran ko. Napatulala ako nang makita ko si Gae. Nagsimulang manginig sa kaba ang aking katawan. Hindi ko magawang humarap kay Ozen. Hanggang sa tuluyan nang makalapit sakin si Gae at ginawaran ako ng halik sa pisngi.


" B--babe bat....bat nandito ka?" nauutal na ani ko kay Gae.


" Hindi bat sabi ko babawi ako. May gusto sana kong gawin ngayon na kasama ka." bat ngayon pa!?


" B--bukas na lang......Umalis kana muna please." tumingin ito sakin saka sya tumingin kay Ozen. Tumango sya saka hinawakan ang kanang braso ko.


" Tawagan kita mamaya." mahinang ani nya saka nagsimulang maglakad palabas nang bahay namin.


Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay pumikit muna ako at huminga ng malalim. Nag ipon ako nang lakas na loob para makausap pa si Ozen. Nang muli ko syang makaharap ay parang natulala lang ito at nakatingin sa isang tabi. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ko syang nagkakaganun.


" Sabihin mo nga sakin.....K---kayo ba?" mahina nyang tanong na hindi parin tumitingin sakin. Hindi ako nakasagot dulot ng kaba. Ramdam ko na lamang ang mga luhang tumutulo saking mata. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.


" Kayo ba!!?" napaatras ako at iniwas ang tingin sa kanya saka ako dahan dahang tumango.


" Hindi bat sabi ko.......Sabi ko hintayin mo'ko...."


" Oo...Hinintay naman kita kaso...Kasiii."


" Ano!!? "


" Ay jusku ano ba iyan at nagsisigawan kayo?" napatingin kaming dalawa kay manang.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon