Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 7

322 126 63
                                        



3 DAYS LATER



"Basta anak boto ako kay Gae para sayo" Masayang ani ni Mommy.


"Mommy."


"Si Ozen ang bagay sayo"


"Dad."


" ang bagay sa iyo"


"Hay nako pati ba naman ikaw Azrie"


"Syempre kung anong gusto ng puso mo dun ako" nakangiti nya pang anya bago sumubo ng kanyang pagkain.


Inirapan ko lang sila. Love life? Ayoko pa. Para namang sa pula sa puti ito sa pula kay Gae. Sa puti si Ozen. Juskuu mababaliw na'ko.


"Ma'am Eidel. May naghahanap po sa inyo" napalingon ang lahat sa nag salitang si Ate Betty.


"Sino daw?" Tanong ni Mommy sa kanya.


"Pag si Ozen yan papasukin mo agad" Ani ni Daddy kay ate Betty.


"At pag si Gae naman papasukin mo rin agad" ani naman ni Mommy.


Ano bang buhay to oh. Bugaw lang?


"Ahh sige po maam papasukin ko na po si Gae"


Agad akong nabilaukan sa sinabi ni Ate Betty.


"Ayos ka lang?" kalabit sakin ni Azrie


Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.


Anong ginagawa nya dito. Hindi pa nga ako nakaka move on sa sinabi niya nung sabado.


"Susunduin kaba ni Gae anak?" bumaling ako kay Mommy na ngiting ngiti sa harapan ko.


"Mommy may kotse ako. Hindi ko kailangan ng susundo sa'ken"


"Tama yan anak kay Ozen kanalang mag pasundo. Babawiin ko na kotse mo"


" What!? Dad naman"


" Eidel sakin na muna kotse mo ah" ani ni Azrie namay nakakalokong tingin. Kainis.


"What no!"


"Eidel! Wag kang sumisigaw sa hapag kainan ah" sumama ang tingin ko kay Mommy. Kayo nga rin sumisigaw eh.

Rose Of ThornsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon