CHAPTER 34

51 9 2
                                    



" Tara na." ani ko kay Ozen habang kababa ko lang sa hagdan ng aming bahay.


" Pinaiyak ka na naman. Ano bayang boyfriend mo." iritado nyang ani habang umiwas ng tingin sakin at ibinaba sa sahig si Eizen agad naman itong tumakbo palayo.


" Ano?" mahinang tanong ko. Medyo masakit rin yung lalamunan ko hindi ko alam kung dahil bayun sa pag-iyak ko kagabi oh ano.


" Tara na." Anya saka nag paumunang lumabas ng bahay sumusunod lang naman ako sa kanya ng walang imik hanggang makarating kami sa kotse nya. Naupo ako saka nasimulang mag-isip ng kung ano ano habang nag dradrive si Ozen papuntang kanila.


" Ok kalang ba?" rinig kong tanong nya nakaharap lang ako sa dinaraanan namin at hindi sya binabalingan ng tingin.


" Ok lang."


" Tsk." Inis na naman na ani nya pero d ko nayun pinansin at chineck ang selpon ko kung may message ba si Gae ron. Alam kong nasaktan ko sya at dahil sa mga hindi nya pagsagot sa mga text ko at chats sa messenger kinakabahan ako kung anong nangyari sa kanya. Isa pa tadtad ako ng mura kay Ilra at puro payo naman kay Nyls. Hays.


" Tissue." abot sakin ni Ozen habang ang mga mata ay nasa dinaraanan at ang kaliwang kamay ay nasa manubela. Agad kong kinuha ito at ibinaling ang tingin diretso sa dinaraanan.


Tissue para san? Tanong ko sa isip ko ng napatingin ako sa rear mirror agad kong kinapa yung mata ko. Lumuluha ka na naman pala. Agad kong pinunasan yung luha ko at d ako mapalagay sa pagsulyap sulyap sakin ni Ozen.


" Bat ba kayo nag away?" seryosong aniya.


" Wala."


" Kita ko nga sa mata mo." aakristo nyang ani.


" Eidel."


" Hmm?"


" Masaya kaba sa kanya?"


" Hmm?.....Hmm" pIlit na ani ko saka ako napapikit. Muli akong naluha kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang ulo sa bintana.


" Can't you just tell me kung bakit ka umiiyak?"


" Wala nga."


" Nag aalala lang ako sayo. Ano bang pinag awayan nyo ni Gae?"


" Ozen please wag nalang muna natin pag usapan." tiningnan naman ako nito namay halong gulat saka tumango muli akong tumingin sa labas ng bintana. Kumuha ako ng earphones sa bag ko saka ito sinuksok sa selpon ko saka ako nagpatugtog roon. Pumikit ako saka dinamdam ang mga kanta.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon