CHAPTER 32

53 8 6
                                    



" Ang sakit ng ulo ko." angil ko habang naglalakad sa hallway ng eskwelahan ng nakahawak ang kanang kamay sa sintido.


" Ok kalang?" agad nabaling ang tingin ko sa nagsalita at ng makita ko na kung sino ito ay agad ko itong nginitian ng pilit.


" Ciel ikaw pala." ani ko. Habang tuloy parin kami sa paglalakad.


" Kamusta kana?" tanong ko.


" Ok lang. Ikaw ang kamusta." agad naman kaming napatigil na dalawa.


" Anong ako?" natatawa kong tanong.


" Kamusta kana?"


" Ahh Haha ok lang."


" D parin ba kayo nagpapansinan ni Ozen?" bigla akong nalungkot nung pumasok na kami sa room at saktong tanong nya na yun ay nag katinginan kami ni Ozen, pero agad rin siyang umiwas. Tummingin nalang ulit ako kay Ciel. Na nakatingin rin pala kay Ozen.


" Nagpapansinan naman. Hindi na nga lang kagay nung dati." mahina at malungkot na tono ko.


" Magtataka kapaba?" ani ni Ciel saka dumiretso sa upuan nya. Napatingin naman ako sa direksyon nina Nyls at Ilra, Ganun narin kay Zairi. Na nasa iisang pwesto na nakatingin sakin. Seryoso ang mga mukha nila maliban nalang kay Ilra na Irita.


' Tama magtataka pabako? '


" Bat nakatayo ka lang dyan?"


" AY puki!" nagtawanan ang mga kaklase ko sa aking salitang nabanggit. Inis naman akong napatingin kay Gae.


" Nangugulat ka naman eh." reklamo ko saka ako dumeretso saking pwesto agad naman siyang sumunod na natatawa tawa. Nang makaupo na kami saming upuan ay muli niya kung tinanaong.


" Ano nagustuhan mo ba regalo ko?" tumango lang ako saka nangiti. Ang cute kaya.


" Good suotin mo mamaya." agad naman nangunot ang noo ko at hinihintay na may idugsong sya sa sinabi nya. Muli itong natawa at pinisil ang ilong ko nang may panggigigil.


" Aray masakit ah!" reklamo ko.


" ANg cute cute mo talaga." hindi ko alam pero agad akong nangiti napawi lang iyon ng mapansin ko ang mga titig samin ni Ozen. Seryoso lang itong nakatingin samin saka umiiling iling.


" Hoy nakikinig kaba?" muli akong napatitig kay Gae nung ipatong na nya ang kanang kamay nya sa ulo ko. Agad ko naman iyong tinanggal.


" A--ano nga yung sinasabi mo?" nag akto naman tong disappointed.


Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon