CHAPTER 14 PART 2

212 36 16
                                    



"Wuhhhhhh"


"Partey partey!"


"Put your hands in the air!"


Halos mag lilimang oras na kaming naririto nahihilo na rin ako sa mga alak na nainom ko at sobrang banas idagdag mo pa yung suot suot kong jacket ni Ozen at ang kamay nyang naka akbay sa mga braso ko habang pinag mamasdan namin nag sasayaw sina Ilra at Azrie sa dance floor ay andito naman kami ni Nyls nakaupo sa may table namin naghaharutan yung dalawa habang si Ozen naman ay inom parin ng inom habang naka akbay sa'kin baka daw kasi may lumapit sakin at bastusin ako. Kainis hindi ako makapag enjoy kaya ayun uminom na lang rin ako ng black label dito may mga cocktail din at gin na nakapatong sa lamesa pero sadyang yung black label ang pinipili ko para kong nakikipag paligsahan sa pagiinom kay Ozen.


"Dahan dahan malalasing ka nyan." nag aalalang tono nya habang namumulutan.


"Kanina pako lasing." lasing na anya ko naman sa kanya pinapakiramdaman ko na rin yung sarili ko dahil ilang nga minuto na lang ay ramdam ko ng babagsak na'ko although hindi naman ako nag aalala dahil kasama ko si Ozen at kagaya nga ng sinabi nya walang mangyayari samin at hindi nya ko gagalawin hanggang hindi pa kami kasal. Kahit na walang kasiguraduhan kung mangyayari ngayon.


"Hahaha walang mag hahatid sa'tin pauwi, Zi lasing na rin ako!" agad naman akong natawa sa kanya.


"Hahaha nu ba naman yan!"


"Hoy san ka punta!?" tanong ko pa.


"Cr." seryosong anya.


"Ah ok sige ihi ka muna." ani ko saka uminom ulit ng panibagong baso nung black label nung mapansin kung hindi parin sya umaalis at seryoso lang nakatingin sakin.


"Wait for me, I just need to sober up, so I can take care of you." agad akong nasamid sa narinig ko at tiningnan sya sa likod habang nag lalakad palayo. Cute.

Nung nasa daraanan nya hahaha char lasing na nga yata ako. Habang nasa upuan ako ay pinag masdan ko sina Nyls at Arius na naghaharutan napaismid naman ako buti na lang at wala masyadong nakakakilala at nakakakita sa kanya sa taas na parte nitong bar. Ilang mga minuto lang ay bumalik na si Ozen na basang basa ang mukha mukhang nag hilamos yata. Umupo sya sa tabi ko at itinuon ang kanyang ulo sa aking braso.


"Zi." pag tawag nya sakin tiningnan ko lang naman sya at hindi sumagot.


"I changed my mind you drive us home."


Bahagya pa'kong natawa sa sinabi nya at nung iimik na sana ko ay hinawi ko ang basa nyang busok at tumambad sa'kin ang natutulog niyang mukha kaya mas lalo akong natawa. I can't believed mas malakas pakong uminom sa kanya.


Hinayaan ko na lang munang matulog sa braso ko si Ozen hanggang sa makabalik na sa mga upuan nila sina Ilra at Azrie na mukhang nag enjoy sa pagsasayaw sa dance floor. Isa lang ang masasabi ko sana ol. Hindi rin naman ako makapag cute gazing dahil nasa second floor nga kami at masyadong pakislap kislap ang mga ilaw at mas nahihilo lang ako. Hindi na'ko uminom nung makatulog sa braso ko si Ozen at mukhang ako nga ang mag hahatid sa kanya ngayon.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon