I was completely in deep slumber. When i heard a continuous loud knocks on the door. I yawn as i open my eyes slowly.
Umalis ako sa pag kakahiga sa kama at kinusot kusot muna ang aking mata bago maglakad patungo sa pintuan.
" Eidel c'mon wake up!" rinig ko pang sigaw ni Gae habang patuloy parin sa pag katok ng pinto. Lumapit na'ko sa pintuan at maliit na awang na binuksan ito.
" Mag to toothbrush lang ako. " halos inaantok na ani ko pa at sinarado na ulit ang pinto. Dumiretso ako sa cr at nag hilamos ron. Pag katapos kong mag hilamos ay nag toothbrush na rin ako saka kumuha ng towel para punasan ang aking mukha. Pagkalabas na pagkalabas ko sa cr ay dumiretso na'ko sa dressing table at naupo sa upuan nakatapat nito. Kinuha ko ang suklay at sinuklay na ang aking buhok kumuha rin ako ng pantali ng buhok at nag ipit ng pa bun.
Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay kinuha ko muna ang aking selpon sa side table ng kama at lumapit kay Eizen na mahimbing parin sa pagtulog. Tipid ko lang nanginitian ito saka ako bumaling sa aking study table at kinuha ang mga gamit ko roon. Lumabas na'ko ng kwarto at dumiretso sa main balcony.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan aa main balcony ay makikita mo na agad dun si Gae na nag aaral at sa paglapit mo ay unti unti moring maamoy ang mabangong amoy ng kape. Tumingin ito sa akin ng makaupo na'ko sa tabi nya at ibinaba ko na rin ang mga gamit. Ang lamig at sobrang dilim pa ng kapaligiran. Ayaw niya ba sa sala nalang kami mag aral?
" Uminom ka na muna ng kape. " napatingin ako sa inabot nya saking tasa. Namay laman ng mainit na kape. Napabaling ang tingin ko sa kanya habang ito ay humihigop sa kanyang tasa. Tumaas ang kilay nito na parang nagsasabing ' ano pang hinihintay mo inumin mo na '
" S--sige." mahinang ani ko saka binuhat ang tasa. Nagdadalawang isip ako kung iinumin ko ba ito. Tsk baka mahilo ko. Pero ngayon na lang naman baka naman hindi ako mahilo kasi matagal narin naman nung huli akong nagkape.
" May problema ba? " nag aalalang tanong niya sakin.
" Wala. " ani ko nalang at dahan dahang hinigop ang kape. Sa mga ilang minuto ay naubos ko rin agad ito kaya dumiretso agad ako sa pag rereview. Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko habang nagbabasa pero agad kong ininda ito at nag patuloy.
***
" Gutom kana?" napatingin ako kay Gae. Habang hawak hawak ng kanang kamay ang aking sintido. Akala nya siguro dahil hindi ko lang maintindihan yung binabasa ko kaya ako naka ganon pero ang totoo nan. Hilong hilo nako.
" Medyo. " inayos niya ang mga gamit nya at nilagay na sa kanyang school bag. Yun na lang rin ang ginawa ko. Inayos ko ang aking mga gamit at pinagpapatong patong. Tumingin si Gae sa selpon nya saka humarap sakin.
" 5:30 na. Mag umagahan na muna tayo. "
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
RomanceEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...