CHAPTER 20

143 25 1
                                        



"Arrrrf!!.....Arfffff!!!"


"Hello baby! Mommy's home. Nalaki kana ah kumain kanaba?" binuhat ko si Eizen sa magkabilang bisig ko. Habang buhat buhat sa likod ang backpack na pinaglagyan ng damit ko kagabi.


Binaba ko sa sala ang dala dala kong gamit at dumiretso sa kusina habang buhat buhat parin si Eizen.


"Ate Betty! Kumain na ba si Eizen!?" sigaw ko habang naglalakad parin patungo sa kusina.


"Ayy ma'am andyan na ho pala kayo. Magandang umaga ho. Eh oo ho napakain ko na po si Eizen kanina nung dog food." tumango lang ako at tumingin kay Eizen na nag pupumiglas sa mga palad ko. Nalaki laki na sya.


"Good girl baby. " dinilaan nito ang daliri ko saka tumahol.


"Ayyt sang ayon sya ihh." natawa ako ng muli itong tumahol.


"Wala kabang pasok Eidel ija?" nabaling ang tingin ko kay manang at tipid na nginitian ito.


"Sa tanghali papo." tipid na sagot ko saka nilaro laro ulit si Eizen.


"Ayy kumain kana ng umagahan? Ay ipagluluto kita maupo ka na dun."


"Manang, hindi na kumain napo ako kayna Nyls. Sina mommy po ba umuwi po ba sila kahapon?"


" Hindi at tumawag ang daddy mo. Marami pa raw silang aasikasuhin kaya hindi muna sila makakauwi."


"Nanaman?"


"Aba'y oo ganan talaga sa trabaho ija." tumango nalang ulit ako ar lumihis na ng tingin saka duniretso sa sala para kunin yung mga gamit ko. Binuhat ko sa kanang kamay ang backpack ko at isinabit sa likod at sa kaliwang kamay naman ay si Eizen.


Naglakad ako papaakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay ibinababa ko kaagad sa sahig si Eizen ar saka ito nag tatakbo. Ibinaba ko sa mini sofa ang bag ko at saka humilata sa kama. Kinuha ko ang selpon ko sa pants ko at tiningnan ang oras. Alas otso palang ng umaga at anong oras na kami nakatulog kagabi i mean kanina dahil umaga na rin kami nakatulog. Tinurn off ko rin agad yung selpon ko at inilgay sa side table ng kama. Pumikit ako at naisipang idiretso yung tulog kanina.



***



"Ija!.....ija ay jusku gising na at malalate kana yata sa klase mo!"


"Gumising na ikaw at may naghihintay sa iyu sa baba."


Ramdam ko ang pagtapik tapik sa pisngi ko at alam kong si manang to pero inaantok pa'ko parang ayoko na ngang pumasok para lang ituloy ang tulog ko.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon