" kain kana. Niluto ko yan."
"Wala akong gana saka pagod ako pwede ba umuwi kana mag papahinga muna ko." aktang tumayo na'ko sa pagkakaupo at mag lalakad na palayo ng hawakan nya ang palapulsuhan ko at hinigit papalapit sa kanya. Gulat ko naman syang tinitigan ng may nangungunot pang noo.
" Kumain ka muna. Sigurado ako hindi ka pa kumakain." halos awang awa ang tono ng pananalita nya kaya mas lalo akong nainis at pilit tinanggal ang pag kakahawak nya sa palapulsuhan ko.
"Ano bang pakialam mo! Wag ngayon please umalis kana."bahagya akong napahawak sa sintido ko at napapikit habang ang ulo ay nakatutok sa aking paanan ng bigla syang tumayo kaya agad akong napamulat at tinitigan sya. Lumapit sya sa akin ng may pilit na ngiti sa labi kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko at parang may nagbabadyang luha sa aking mga mata dahil lamang sa titig nya. Sa titig nya na parang awang awa sya sakin ayoko.....ayoko sa lahat ang kinaawaan ako
Agad ko syang tinalikuran bago pa sya tuluyang makalapit sa'kin. Pinahid ko ang mumunting luhang namuo sa aking mga mata saka nag simulang maglakad ng higitin na naman nya ang palapulsuhan ko at inilapit ako sa kanya. Sa ngayon ay masyado ng magkalapit ang katawan namin at naamoy ko na ang hinga nya bahagya pakong nakatingala sa kanya dahil masyado siyang mas matangkad sa akin. Ibinaba ko ang aking tingin sa paanan nya ng magtama ang mga mata namin. Lumipat sya sa likod ko at itinulak ako paupo.
"Teka ayoko ngang kumain busog ako."
"Hindi ako naniniwala namamayat ka na oh."
"Ano bang paki mo kakain ako pag nagugutom ako. Umalis ka na nga! dadagdag kapa ang dami dami ko ng iniisip. DADAGDAG KAPA!"
Nag crack ang boses ko sa pag kakasigaw at tuluyan ng may luhang lumabas sa mata ko. Mas lalong lumapit sakin si Gae at may inilabas na panyo sa bulsa ng maong nyang pants at ibinigay sa akin bahagya ko munang tinitigan yun saka tumingin kay Gae na parang ang mukha ay nagsasabing 'kunin muna; inirapan ko sya saka kinuha yung panyo at pinahid ang mga luha ko.
" Kung marami kang iniisip edi ako nalang isipin mo."
Naging seryoso ang boses nya kaya napatitig ako rito at seryoso itong nakatingin sa akin. Nagulat ako sa paghawak ng kanan nyang palad sa mukha ko saka pinahid ang mga luha ko sa kaliwa kong mga mata.
"Gusto mo bang pag usapan natin yang mga iniispi mo?"
" Ok lang wag na." kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang marahan nyang pag tango. Lumapit sya sa pagkaing dala nya at binuksan ito saka inilapit sa akin sabay nang pagupo nya sa tabi ko.
"Kain kana kahit hindi mo sabihin alam kong hindi ka pa kumakain."
"Paano kung kumain natalaga ko? "
"Uhmm tikman mo manlang luto ko? "
![](https://img.wattpad.com/cover/226099185-288-k622789.jpg)
BINABASA MO ANG
Rose Of Thorns
Roman d'amourEidel is a sassy and happy go lucky girl, She has an unusual habit, the cute gazing thing that's why she is sometimes called a flirt. She didn't know how to enter a relationship and encountered a love triangle. She didn't know how things work, how a...