CHAPTER 14 PART 1

222 39 22
                                    



"Eidel!" sigaw nya at patakbong pumunta sa akin at niyakap ako ng pag kahigpit higpit habang bahagya kaming nag pa ikot ikot.


"A--azrie." ani ko na lamang dahil hindi ako makahinga sa higpit ng pag kakayakap nya bahagya naman syang kumalas sa pag kakayakap kaya nakahinga ako ng maluwag saka naman nya hinawakan ng dalwa nyang kamay ang mga braso ko at ngiting ngiting tumingin sa'kin. Nag tataka ko naman syang tiningnan ok na ba sya?


"Na miss kita." nakangiti nyang ani pag karinig na pag karinig ko nun ay bahagya pakong nakaramdam ng lungkot at niyakap ulit sya pinigilan ko ang namumuo agad na luha sa aking mga mata. Eidel naman napaka iyakin mo talaga.


"Ako ren." ani ko saka ako kumalas sa pagka kayakap at pinagpapalo sya.


"aray Eidrel ano ba!?" galit na boses nyang anya.


"Ang tagal mong bumalik na kakainis ka!"


"Well atleast bumalik."


"Kahit na nakakairita ka!" agad nya ulit akong niyakap at hinaplos haplos ang likod ko.


"Nagugutom na'ko may pagkain ba sa baba?" inis akong tumingin sa kanya at sabay kaming natawa. Kahit kailan talaga.


"Oh kanino to?" tanong sakin ni Azrie nung makababa kami ng hagdan at dumiretso sya sa sala dahil nakita nya yung medium box na pinag lalagyan ni Eizen.


"Sa'ken bigay ni Ozen."


"Hala ang cute! Anong name?" ani niya pa habang buhat buhat na sa dalawang kamay yung maliit na tutang si Eizen.


"Eizen."


"Eizen i see. Eidel + Ozen= Eizen so ano kayo na ba?" bahagya pa'kong natigilan sa tingin nya sa mga mata nyang alam kong malungkot at puno pa rin nang problema pero yung mga ngiti nya parang totoong ok na sya at nagagawa nya ng ngumiti pero hindi ako naniniwala alam kong hindi parin sya ok.


"Hoy tinatanong kita kayo na ba?" agad naman akong napailing ng mapagtanto kong hindi ko pa pala nasasagot yung tanong ni Azrie.


"He's just a friend Azrie."


"Ano sa tagal kong nawala hindi parin nagiging kayo!?" kumunot naman yung noo ko sa kanya porket ba nawala sya dapat maging kami na?


"I don't know naguguluhan ako." nasabi ko na lang dahil yun naman yung totoo. Lumapit ako sa kanya para tingnan sa loob ng box si Eizen.


"Bat ka naguguluhan?" tanong sakin ni Azrie habang ang mga mata ko ay nakatutok pa rin kay Eizen.


Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon