CHAPTER 13

256 57 24
                                    


"Eidel!....Eidel dalian mo naman ang bagal mo. Mag peperform na yung banda nina Ozen oh kainis naman to!" mataray na anya sakin ni Ilra habang nasa loob kami nang Cr. Ozen band called Eizen. Named based from Eizen and Ozen daw..

"Wait lang ok na!" iihi lang eh d makapag intay.

"Bilis ambagal bagal! Andun na sina Nyls at Zairi!"

"Oo na!" padabog kong sinara yung pinto ng cubicle. Bahagya pa'kong napatingin sa paligid nung makalabas ako ng cubicle. Buti nalang talaga yung mga tao nag tungo na sa school covered court.

"Galit ka sabihin mo lang? Iiwan talaga kita rito!" ani pa nya. Bahagya naman akong napairap sa kanya.

"Tara na!" bwisit. Kung si Nyls nalang kasi sana sumama sakin sa Cr.

Nung makarating kami sa school covered court ay nag hihiyawan na yung mga tao. Andun na rin ang mga bisita ng school sa unahan Lima ito. Tatlong may katandaan ng mga lalaki mga 60 han na ganun tas dalawang babae yung isa bata bata mga around 25 tas yung isa siguro ka edad lang ni mommy mga around 42 ang age.

"Hoy...hoy andyan na pala kayo. Dun tayo sa upuan dali!" masiglang ani ni Nyls na may hawak na kulay ubeng pahabang lobo. Hinigit nya kami papuntang unahan at naupo sa bakanteng upuan roon. Sobrang ingay ng mga tao. Idagdag mo pa yung tugtog ng mga banda parang may townmeet lang.

"Ayan na ayan na nagsisimula na!" malakas na sigaw ni ilra. May Mc na masiglang imik ng imik sa unahan yung mga mata ko naman ay lumikot at d na malayang. Bumabalik na pala talaga yung hobby ko. The cute gazing thing bahagya pakong nakangiti habang nag hahanap ng mga pogi at cute at binibilang pa ang mga ito. Dahan dahan kong kinuha ang selpon ko at pa zoom zoom ko silang kinukuhaan.

"Woi anlikot mo sa unahan ka nga tumingin!" asik sakin nung babaeng nasa likuran ng bangkuan ko. Pshh bakit taas taas noong stage d pa nya makita yung nandon. Nanahimik ako dito.

"Just mind your own business pede?" nakangiti kong ani sa kanya. Bahagya naman siyang napairap. Aba aba iirap ka pa ah.

Tinulay ko na lang ang pag cucute gazing. Sayang saya akong nililipat ang mga photos nila sa isang Album ng may humablot.

"Ano na naman!?" inis kong tingin kay Gae na kung ano ano na namang pinag pipindot sa selpon ko.

"I told you. Kung may kukuhaan ka ng picture It should be me" He smiled then i died. Ang cute nya ngayon. Bagong gupit ang buhok nya namas nag palabas ng kagwapuhan nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa stage ng umupo sya sa dulong silya na katabi ko at hinawakan ang aking kamay agad kong tinanggal ito.

"AND NOW LET US WELCOME THY EIZEN BAND!"

"WUUUHHHHH"

"AYAAAAN NA SILA!!"

"EIZEN BAND!!!"

Bahagya akong napamulat ng mata at tinapik palayo ang mga kamay ni Gae. Tumingin ako sa unahan at nakitang palabas na ang mga miyembro ng banda ni Ozen. Napatingin tingin ako sa paligid dahil masasama yung tingin ng iba sa'kin at yung iba naman ay parang kinikilig niyakap ko naman ang sarili ko sa kahihiyan. Tumingin ulit ako sa stage at nakita si Ozen na kalalabas lang muling nag sigawan ang mga manonood sa paligid ganun na rin yung tatlo kong tropa. Ramdam ko ang muling paghawak ni Gae sa kamay ko kaya agad akong tumingin sa kanya at inalis ito.

"What's wrong?"

"Ikalma mo nga yang kamay mo!" inis na ani ko sa kanya bahagya pa syang nangunot ang noo umirap nalang ako at kinuha sa kanya ang selpon ko. Nag simula ng tumugtog ang banda nina Ozen kaya nag simula na namang umingay ang paligid nag tatayuan pa yung mga tao kaya napatayo na rin ako at vinivideohan si Ozen.

Rose Of ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon