Chapter 3

154 6 0
                                    

Chapter 3

"You can now take your break," the professor said before packing her things up, ready to leave.

I sat still at my seat, not being able to move. Nagsimula nang umingay sa loob ng classroom namin nang tuluyan nang nakaalis ang propesor namin. Ang iba ay tumungo sa mga kaibigan nila, ang iba ay nauna nang lumabas at ang iba ay tahimik lamang na nililigpit ang gamit.

"Nice! Anong nasa menu ngayon?" dinig kong tanong ng kaklase ko habang nasa hamba ng pintuan at palabas na.

"Sana may chicken curry," sambit pa no'ng isa bago tuluyang lumabas.

Habang ako ay nanatili sa upuan ko. Days pass by really fast. Natapos na namin ni Cherie ang mini building na project. Naisauli na rin namin ang materials na hiniram kay Eli. Exam na agad namin. Hindi pa rin nagsink-in sa utak ko ang sinabi ng aming guro kanina patungkol sa nalalapit na exam. Just by hearing its word made me shiver.

Hindi naman sa natatakot ako sa exam, natatakot lang ako sa magiging resulta noon. Kapag hindi ako pumasa o 'di kaya'y may matanggap akong maliit na marka mula sa isang subject lamang ay siguradong patay ako sa parents ko. Panlalait na naman ang aabutin ko 'pag nagkataon.

Nang halos lahat na ay nakalabas sa room, doon ko lang naisipang tumayo.

Nilagay ko ang gamit ko sa bag bago nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.

Sa sobrang bigat noon ay napabaling pa saakin ang katabi. Hindi ko nalang siya pinansin bago lumabas.

"Andito ka lang pala, Isleen! Kanina pa kita pinaghahanap. Punyeta ka, nagh-hide and seek ba tayo rito?" paasik na wika ni Thalie habang habol ang hininga bago umupo sa tabi ko.

Gaya ng nakasanayan, dito na ako tumatambay kapag lunch. Paborito ko na kasing spot itong grandstand ng university, lalo na kapag gusto kong mapag-isa.

Nakaupo kami rito sa hagdan ng grandstand, nasa taas kami, nasa sulok para hindi mainitan.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, Natalia! Nagrereview ako!" anas ko, nasa notes pa rin ang tingin.

Mas pinili kong dito magreview kasi tahimik. Maganda rin ang tanawin at wala masyadong tumatambay. Makakapag-concentrate ako nang maayos.

"Bobo, sinong Natalia? At saka lunch na ba't nagrereview ka? Ang layo pa ng exam," she nonchalantly said. "Kumain ka na?"

Umiling ako, nakatuon pa rin ang mata sa binabasa at pilit na iniintindi iyon. Exam is in two weeks and I need to prepare. Ngayon palang ay nafefeel ko na pressure mula sa pamilya ko.

Kompleto naman ang notes ko at madali ko lang maintindihan ang mga lesson pero pagdating sa isang subject ay gustong-gustong sumabog ng ulo ko dahil kahit anong gawin ko, malabo ko iyong maintindihan.

Gaya ng calculus. Importante pa naman ang subject na ito sa kursong kinuha ko. Maiintindihan ko naman kapag iniexplain ng guro namin sa klase pero agad ko rin iyong makakalimutan.

Sa isipin palang na makakakuha ako ng maliit na marka sa naturang subject ay nanginginig na ang kalamnan ko.

"Bakit hindi pa? Ano ba naman 'yan! Bilhan nalang kita. Dito ka lang!" tumayo siya at maingat na bumaba sa hagdan ng grandstand.

Nakailang hakbang palang siya nang sumigaw ako.

"Salamat! Bayaran nalang kita pagbalik mo rito!"

She waved her hand, not throwing a glance at me.

"Hindi na!"

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa malakayo na siya at 'di na abot ng paningin ko. Binalik ko nalang ang atensyon sa notebook na pinag-aaralan at iniba ang pahina nang matapos na sa lesson na 'yon.

Ni hindi ko namalayan ang oras. Di parin nakakabalik si Thalie habang ako ay nababagot na kakaaral dito.

I was busy minding my own business and studying my notes when I felt a presence beside me. Pinigilan ko ang sariling hindi lumingon pero kusang lumingon ang ulo ko sa gawi niya at nagtama ang paningin namin.

"Ikaw na naman?" bungad ko kaagad sakanya at inirapan siya nang umusog siya para mas lalong makalapit saakin.

I saw him glancing at my notes with a hint of amusement in his face.

"Ano 'yan? Nag-aaral ka?" tanong niya at saakin na tinuon ang pansin.

May malaking ngiti sa labi niya habang kinakausap ako. 'Yung tipong parang close na close kami dahil halos mapunit na ang labi niya kakangisi.

"Hindi ba halata?" pambabara ko. "Tantanan mo ako, Eli, ah," pananakot ko sakanya.

I heard him slightly chuckle. Ang kaninang matamis niyang ngiti ay napalitan ng nakakalokong ngisi.

"Hmm... Pag-iisipan ko," saad niya at inilagay ang dalawang siko sa hita at ang kanyang mukha ay ipinatong niya sa kanyang dalawang palad.

Nag-puppy eye pa siya habang nakatitig saakin. Ako naman ay nakaparte ang labi, hindi makapaniwala sa ginagawa niya. Is he acting cute? Close ba kami? Di naman porque't hinalikan ko siya noong highschool ay aasta siyang close kami.

Umirap akong muli. Tapos na akong maging mabuting tao sakanya noong pinahiram niya kami ng materials.

"Lumayas ka nga!" mahina ko siyang tinulak pero hindi man lang siya nagalaw sa kanyang pwesto.

Humalaklak siya nang makita ang itsura ko. I swear to God, if he's not gonna leave now I'll push him down the stairs!

Pero ang harsh naman noon. Ayoko naman maging criminal.

"Ang maldita mo, 'no? Buti nalang talaga cute ka," he muttered while looking at me straight to my eyes.

Agad nag-init at namula ang pisngi ko kaya napapaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko, hinaharangan ang pag hinga ko. I cleared my throat before turning the attention back to my notes, kahit na masyadong binabagabag ang sistema ko sa presensya niya.

Goodness! What am I feeling?

Bakit pakiramdam ko ang nagsasayawan ang mga paru-paro sa tiyan ko?

Did they mistakenly think that it was Eli? As in Elijah?

"Bakit ka ba sumusulpot nalang sa harapan ko? Can't you just leave me alone?"

Nanatili ang tingin ko sa notebook, paulit-ulit na binabasa ang mga salitang nakasulat ngunit walang maintindihan.

"Ayaw ko. Gusto kong makita ka, eh. Bawal ba?" he stated.

"Bakit?" tinaas ko ang kilay ko nang muli siyang balingan. "Crush mo pa rin ako, 'no? Kaya ka sunod nang sunod saakin kasi gusto mo pa rin ako?" tumawa ako. "Hays, Eli. Hanggang ngayon ba, ako pa rin?" pabiro kong saad habang tumatawang nakatingin sakanya.

Dahil biro lang naman iyon ay inaasahan kong tumawa rin siya o di kaya ay umiling. Syempre, joke time lang naman iyon! Gusto ko lang na tigilan niya 'ko kaya ko iyon sinabi. Baka kasi mahiya siya o 'di kaya'y mailang. Walang malisya iyon. Purong biro lang.

"Oo, eh," pagsabi niya ng totoo.

Agad ding napawi ang ngiti ko nang biglang nagbago ang ekspresyon niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon naman ay seryoso na ang mukha niya. Sinubukan ko siyang basahin sa paraan ng pagtitig sa kanyang mga mata. Nagbabakasakaling maabot ko ang kinailaliman noon at magawang basahin ang sarili niya.

"Masyado ba akong halata?"

Napakurap ako nang maliit siyang ngumisi. My eyes instantly fell onto his lips that formed a curve.

It was bright.

For the first time in my life, I'm able to read a person. Nabasa ko siya. From his smiles, I know they were bright. He was beyond happy. Parang nagliliwanag ang mundo niya sa paraan ng pagngiti niya... saakin.

He then heave a sigh.

"Oo, tama ka," he softly said, eyes gloomy. "Hanggang ngayon gusto pa rin kita. Gustong-gusto kita..." he uttered in a gentle manner that made me breathless.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon