Chapter 32

95 3 1
                                    

Chapter 32

"Tagal mo," reklamo ni Avy nang bumukas ang pinto ng condo ko at iniluwa non si Faye.

"Sorry," dali-daling sambit niya at patakbong dumalo saamin. "Jake had errands to do kaya natagalan bago niya ako ma-drop dito."

Andito kami sa condo ko ngayon. Pagkatapos ko kasing ipaayos lahat ng gamit ko rito ay pinapunta ko sila para makapagbonding na rin kami. I was so excited to show them my new home!

"You're really going out with that guy?" Van asked, not even bothering to throw a glance at us.

Busy kasi siya sa kakatingin sa paligid. Nakasunod naman sakanya ang mga mata ko. Paminsan-minsan ay tinatapunan ng tingin ang mga kaibigang nag-uusap.

Faye shrugged. "Well... I'm kind of dating him now."

"I don't like him," diretsang sabi ni Van at umismid.

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang nalaglag ang panga. She straight-up said that, with a dead ass look on her face, unbothered. Napailing-iling ako. Sanay naman na kami sakanya. She talks bluntly. She hates sugarcoating her words. She isn't afraid to speak up what's on her mind.

Medyo malamig pa ang boses niya pagkasabi non. Ni hindi man lang sinubukang sabihin iyon nang marahan. This girl... really. Well , that's just how she is. Cold.

Umupo si Faye katabi ng pinsan niya.

"Really? Bakit?" aniya na parang wala lang sakanya ang sinabi ng kaibigan.

"I don't like his guts," Van crossed her arms on her chest. Lumapit na ito saamin at nag-squat sa sahig. "Isang tingin mo pa lang masasabi mo nang gago."

Faye's eyebrows furrowed.

"That's what I said to her," singit ni Arci sa usapan. "He looks arrogant tsaka mukhang walang magandang dulot. Akala ko ako lang nakapansin."

Kinibit ni Faye ang balikat. "I'll broke up with him, then."

Literal na napatigil ako at tumingin sakanya. Busy siya sa pag kain ng mga chichirya na nasa maliit na lamesa. Parang hindi big deal sakanya ang sinabi niya!

"Ganun kadali?" I said.

"Yeah, I'm not really feeling our dates kaya mabuti na sigurong magbreak kami,"

See? Parang wala lang sakanya! Not that I care about what she do in her relationships and her boys but ganun na lang ba talaga kadali? Wow, ah.

"Grabe, kakaiba ka talaga," I muttered in disbelief. "Mas dumami lalaki mo ngayong college ka na, 'no?"

She looked at me and winked. May kurba pa sa isang sulok ng labi niya, tila nagyayabang.

Hindi ko naman ikakaila na maganda talaga siya. Super. Kaya hindi na 'ko nagulat na maraming lalaking naghahabol sakanya. Kaya nga sobrang dali niya lang itabi ang mga lalaki niya. She doesn't take relationship seriously. Ewan ko ba rito.

"Ganda tumambay rito't mag-inuman," wika ni Avy habang nakatingin sa malaking glass wall. "Ganda ng view lalo na 'pag gabi tsaka ang lamig pa."

"Paampon ako, Isleen," ani Arci.

Inismiran ko siya.

Hindi rin naman sila nagtagal dito at umuwi rin nong dumilim na. We just had a few drinks before we parted ways. Hinatid ko pa sila hanggang sa elevator at nagpaalam.

Nang mag-isa nalang ay minabuti ko nalang na matulog. Hindi ko na rin inabala ang sarili na kumain pa dahil busog na ako sa mga dala nila kanina.

"Hi, I missed you," I immediately ran to Elias and hugged him after I saw him standing in front of the main building, waiting for me.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon