Chapter 12

126 4 0
                                    

Chapter 12

Jayci Morrigan:
Sunduin niyo 'ko sa airport
👍4

After reading Jayci's chat on our group chat, I immediately stoop up from my bed and did some stretching before heading to the C.R.

Maaga akong nagising dahil usapan namin na sunduin namin siya sa airport mamaya. Kompleto na ulit kami. He even promised na ililibre niya raw kaming lahat ng kahit ano. Sabi niya rin ay may pasalubong siya saamin.

Buti naman at sa weekend niya naisipang magpasundo. Walang pasok kaya ayos lang na pumunta ako kahit saan. Hindi na rin naman kailangang magpaalam ako kay Mommy at Daddy dahil hindi rin naman nila mapapansin ang pagkawala ko.

Para lang kaya akong hangin dito.

After taking a bath, nag-ayos kaagad ako sa sarili. I look at my phone and checked the time. It's already 8 o'clock in the morning. Alas nwebe ay dapat nandun na si Jayci sa airport. May ilang minuto pa ako para ayusan ang sarili.

Inuna kong lagyan ng light makeup ang mukha ko. Pagkatapos ay naisipan kong ayusin din ang buhok. Balak ko sanang lagyan ng kaunting wave ang buhok ko kaya iyon ang ginawa ko. I curled the tips of my hair and it came out really well.

Ang dating straight at bagsak na bagsak na buhok ay nagkaroon ng buhay. Napangiti ako sa kinalalabasan non. If there is one thing I love about myself, it is my hair. It's been three years since I last cut it at sobrang haba na nito. Alagang salon pa ito. These days has been so hectic for me that I forgot to make an appointment at my favorite hair salon.

"Nasaan ka na?" Inilayo ko ang telepono sa tenga ko nang marinig ang malakas na boses ni Arci sa kabilang linya.

"Malapit na ako sa airport," sagot ko.

"Dalian mo riyan! Mauunahan ka pa noong galing sa New York," aniya bago namaalam.

Naka-taxi lang kasi ako kaya natagalan. Nahirapan kasi akong maghanap ng masasakyan malapit sa village namin. Habang nasa loob ng sasakyan ay panay ang ayos ko sa sarili. Kanina kasi ay naglakad lang ko palabas ng village para makapagpara ng taxi kaya pinagpawisan ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng time para ayusin muli ang make-up.

I just put a little powder on my face and painted a red liptint on my cheek. Tamang-tama lang ang pagkablend noon sa pisngi ko at napangiti nang nasatisfy na sa ayos.

It wasn't a long ride. Agad akong nakarating sa airport at andun na silang lahat naghihintay saakin. They all waved their hands to get my attention except for Van. Tamad lamang siyang nakaupo sa waiting area at tila ba walang pakialam sa pagdating ko.

Napaismid ako at naglakad palapit sakanila.

"Ang tagal naman!" reklamo ni Faye.

Umirap ako. "Hoy, Demara! Nag-taxi lang kaya ako papunta rito at kailangan ko pang maglakad sa palabas ng village para makapagpara!" I reasoned out.

Umirap siya at humalukipkip.

"Kawawa walang kotse," she teased.

I showed her my middle finger and she just laughed. Iyong mga iba kong kaibigan ay nakaupo na rin at hinihintay kung kailan lalapag ang eroplanong sinasakyan ni Jayci.

I sat beside Van.

"Hmm, sinetch itey hindi man lang nag-abalang batiin ang bagong dating na kaibigan," pagpaparinig ko sakanya.

I saw her lips twitched while still looking in front. She's wearing her black sunglasses, while feet's crossed and arms folded at her chess.

"Galing ka rin bang New York?" she smirked before facing me. Yabang!

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon