Chapter 47
I don't know how I got home last night after what happened. Ni hindi man lang ako nakapagbihis at dumiretso ng higa sa kama at nakatulugan ang pag-iyak. Nagising nalang ako na sobrang lagkit ng pakiramdam. Masakit din ang ulo ko nang tumayo.
"Aray..." daing ko nang hawakan ang noo.
Nagtungo ako sa salamin at tiningnan ang sarili roon. Inayos ko ang mga buhok na tumatabon sa mukha ko at nang maaninag ang buong mukha ay hindi na ako nagulat. Itim na itim ang ilalim ng mga mata ko at lumiit din ito dahil sa pag-iyak ko. Nagkaroon din ng maliit na sugat at pasa ang noo ko dahil sa pag-umpog ko nito sa manibela.
Nang tingnan ko ang oras ay malapit nang magtanghali. Wala akong balak pumasok ngayon at sigurado naman akong maiintindihan iyon nina Avy at Van, iyon ay kung pumasok din sila. Hinanap ko ang telepono ko at binuksan iyon. Bumungad agad sa akin ang mensahe ni Van.
Van Silvestre:
Avy and I went to work.Hindi ka papasok?
Text me after you read this.
Agad akong nagtipa ng reply.
Isleen Cosette Mendoza:
Hindi ako papasok, Van.Iyon lang ang tanging reply ko. Hindi na ako nag-abala pang magpaliwanag kung bakit ako aabsent sa trabaho. Dahil tanghali na ay napagdesisyunan kong sa labas nalang kumain. Nagscroll muna ako sa socials ko at nang makitang active si Nathalie ay pinindot ko ang call button para i-video call siya.
"Girl!" ang matinis na boses ni Thalie gad ang sumalubong sa akin. "Ina ka, teh, ang tagal na nating di nag-uusap!" halatang-halata sa mukha nito.
Tumango ako habang nilalagyan ng maliit na plaster ang noo. Katatapos ko lang maglinis ng katawan pero hindi ako naligo. Masyado akong tamad para roon.
"I've been busy with work. May ongoing construction kasi. How about you?"
"I've been preparing for the bar exam while helping dad sa company niya," sagot niya. Parang ngayon nga ay may binabasa siya. "Madalas na nga lang kaming magdate ng girlfriend ko. Nagtatampo na siguro saakin 'yun dahil palagi nalang akong walang oras sakanya."
"Maiintindihan niya naman siguro 'yun," malakas na ani ko dahil iniwan ko ang cellphone ko sa lamesa at naghanap ng casual na damit na masusuot.
"Oo nga," rinig kong sagot nito. "Nga pala, te, kamusta ka na? Ang love life mo? Malusog na ba ulit?"
Natawa nalang ako nang dinaluhan muli siya. Inayos ko ang cellphone ko para makita niya ako nang maayos.
"Anyare sa noo mo, teh?"
Umiling ako. "Wala 'yan. Tsaka anong love life pinagsasabi mo? Busy ako sa trabaho," I said while fixing my hair in a messy bun. Hindi na ako nag-abalang mag make-up pa.
Nanliit ang mga mata niya. "Sus, ang sabihin mo 'di ka pa rin nakaka-move on kay Elias," panunuya niya. "Kamusta na ba 'yun? Last year pa lang ako may balita sakanya, ewan ko nalang ngayon."
I shrugged and pursed my lips. "Their firm is working under the company that I'm working at," tipid at kaswal na sabi ko.
Her mouth instantly formed an 'o'. "Ha? Ina mo, ba't di mo sinabi? Matagal na ba?" Tumango ako. "Tapos, anyare? Tangina, teh, kaya kong iwanan ang binabasa ko, marinig lang ang chika mo."
Napatawa ako. "Wala namang interesting sa amin, Nathalie."
She rolled her eyes. "Sus. Ano? Nakamove on na ba sayo? Mahal ka pa rin... o mahal mo pa rin?" mapanuri niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...