Chapter 9

131 4 0
                                    

Chapter 9

"Why do you need to find a tutor? Pwede ka naman namin turuan, Leen," ani Van, habang busy sa binabasa niya at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

After I decided to find a tutor, I came to her for an advice. Ilang araw ko kasi itong pinag-isipan dahil bukod sa nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon, wala rin akong sapat na pera para ipambayad kung sakaling may mahanap nga akong magt-tutor saakin.

I need to have higher grades than usual. Hindi lang sa isang subject, kundi sa lahat. I need to get an uno grade for my grade in mathematics.

Van is my best friend. Alam kong kung ano ang magiging opinyon niya rito ay para sa ikabubuti ko. She's my best friend since highschool. Kahit na may pagkamaldita siya at may pagka prangka, I can't lose her. I can't lose a friend like her.

"Ayun na nga, Van," I sighed. "Pwede niyo akong turuan pero ayoko namang abalahin kayo. Lalo na't pareho tayo ng kursong kinuha sa college at alam ko rin kung gaano ka hectic ang schedule niyo," paliwanag ko sakanya.

Gustuhin ko mang magpaturo sakanila ay pinili kong h'wag nalang. Ayaw ko nang makaabala pa sakanila. Gusto ko rin namang magpaturo sakanila kasi hindi nila ako huhusgahan sa pagiging mahina sa isang subject. Plus, wala pang gastos at mas mapapaintindi pa nila saakin ang mga bagay na hindi ko maintidihan.

"Ganito nalang... Why don't you post something on your university's official page? Try talking to the admin," suhestyon niya.

Agad akong binalot ng hiya.

"Ayoko," I shook my head. "Nakakahiya naman. Malalaman ng buong university na ang isang archi student naghahanap ng tutor sa math."

She rolled her eyes, obviously disagreeing with me.

"What's wrong with that? 'Di porket archi student ka ay kailangan na magaling ka sa math. It's not like that," aniya.

Napanguso ako at gustong gawin ang sinabi niya. May nag-uudyok sa akin na itry ang suggestion niya pero naghahari saakin ang kaba at hiya.

If my family knows, I'm sure they'll laugh at me.

I exhaled sharply, still bothered with my own thoughts.

Malaki na nga ang gastos ko sa pagc-commute tapos marami pang dadagdag sa gastusin ko. Ayaw ko namang hingin nang deretso ang credit card at ang kotse ko para ibalik saakin iyon ni dad.

I need to prove myself to them. Dapat ibabalik nila iyon saakin dahil may napatunayan na ako. Na kaya ko rin.

"Tara lunch tayo," aya ni Thalie saakin saka hinawakan ako sa pulsuhan ko para mahila niya.

Skwela na naman. Ganon pa rin ang routine ko rito sa loob ng university. Kung hindi tatambay sa grandstand ay magtutungo sa library. Kagagaling ko nga lang sa library kanina dahil vacant namin at lumabas lang noong lunch time na.

I pursed my lips at hindi nagpahila sakanya.

Nakakunot-noo naman siyang humarap saakin.

"Ayaw mo? Hindi ka na naman kakain?" she asked.

Marahan akong umiling.

"Nagbaon ako," sagot ko.

Kaninang umaga ay nakapagdesisyon na ako na magdala nalang ng sarili kong baon at hindi na bibili lang sa cafeteria dahil mahal ang pagkain at dagdag gastos lang.

Tsaka baka mamaya pag-uwi ko sa jeep nalang ako sasakay dahil makakamura pa ako non. Mahal kasi ang taxi kaya mag-je-jeep nalang ako kahit hindi ganoon ka sanay. Maglalakbay nalang ako mamaya sa sakayan ng jeep at hanapin ang tutungo malapit sa village namin.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon