Chapter 49
Tuloy-tuloy ang paghikbi niya sa balikat ko.
"Rebecca is my step sister..." he whispered in between his sobs.
Muli ay natigilan ako. My mind can't process everything that's happening. The revelation is too much. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig at nalaman. Tinulak ko siya palayo saakin gamit ang natitirang lakas ng katawan. Sa ginawa ay muntik pa akong matumba dahil sa panghihina.
Nagulat siya. He looked at me with pain... and longing.
Umiling siya. "Don't do this..."
I looked away. Hindi ko siya kayang tingnan nang ganito. All these times, niloloko lang pala nila ako? Para saan? Para saktan ako?
"U-Uuwi na ako," nahihirapang wika ko.
Kahit hindi na kaya ay pinilit kong lisanin ang lugar na 'yun. Sinubukan niya pa akong pigilan ngunit iwinaksi ko ang kamay niya.
"Huwag mo akong sundan," galit ko siyang tinuro.
Nagtungo ako sa kotse ko at pinaharurot iyon. My eyes were blurry from the tears that I was holding since earlier. Tumigil ako sa gilid ng daan at humugot ng malalim na hininga bago humagulgol nang malakas.
Bakit kaya niya nagawa saakin 'yun? Ganoon na ba niya kaayaw saakin para magsinungaling? Pinaniwala nila ako! Naniwala akong wala na talagang pag-asa! Ilang araw, ilang gabi akong umiiyak dahil akala ko totoo iyon! Gaano ba niya kagustong tigilan ko na siya para humantong sa ganoon?
Oo, mahal ko siya. Hinding-hindi ko ipagkakaila iyon. Pero tangina, nasaktan ako! Kung ayaw niya saakin, pwede niya namang sabihin. Hindi dapat ganoon, eh. Gusto kong magalit sakanya pero mas nangunguna 'yung pagmamahal ko.
Noong gabing iyon ay safe naman akong nakauwi sa condo. Iyon nga lang ay doon ako umiyak nang umiyak. Akala ko nga ay aatakehin na naman ako ng asthma dahil inumaga ako sa pag-iyak pero wala naman. The next morning, I tried my best to look normal. Ngayong araw ang official na pagtatapos ng kontrata nina Elias. The staffs planned a party for them ahead and we all need to be there. I just wore my usual office outfit and tried to hide any signs of late night crying.
Pagkarating ko doon ay nagsisiyahan na sila. Obviously, I was late. Pati na rin ang pagtatapos ng building ay ipinagdiwang din. May malaking cake na hugis building na naka display sa gitna. May mga iilang balloon na nagkalat sa sahig at mga pagkain na nakahanda sa long table. Everyone was there, including Nathaniel.
Agad na sumenyas saakin si Avy na lumapit kung saan sila nakapwesto.
"You're late," bungad niya.
Umismid ako. "Muntik na ngang hindi papasok, eh."
She rolled her eyes. "Sus. I know you wouldn't miss this celebration. It's their last day here after all. Baka ma-miss mo kapag di ka dumalo."
"Ulol," sabi ko nalang. "Paabot nga ng softdrinks, Van," utos ko sa kaibigan.
Ang grupo nila Elias ay nasa harapan lang namin. Panay naman ang iwas ko para hindi magtagpo ang mga mata namin. Sa tuwing nililibot ko ang tingin ay dumadaplis ang mga mata ko sakanya na agad ko namang iniiwas. His back was leaning on a table and I know he's anticipating for me to look at him. If I'm not mistaken, I sure saw him staring at me.
Nagpatuloy ang selebrasyon hanggang gabi. Nagplano pa ang mga kasamahan namin na may after-party sa isang restaurant. I don't have plans on coming. I am too drained and tired to be with them. Kaso lang, nagpumilit si Avy na sumama kami ni Van kahit na ayaw namin. Hindi naman kami makatanggi dahil ayaw namin siyang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...