Chapter 22

110 3 0
                                    

Chapter 22

"Ma'am Isleen? Gumising na ho raw kayo, Ma'am, sabi ni Ser."

Naalimpungatan ako sa katok ni ate Selma sa labas. Kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto ko para gisingin ako ngunit bumabalik pa rin ang antok ko. Humikab nalang ako at pinagbigyan na siya. Baka mamaya pagalitan pa siya ng amo niya dahil 'di niya ako nagawang gisingin.

Bumangon ako at nag-stretch ng katawan. "Palabas na po!" sigaw ko. Narinig ko ang yapak niya papalayo sa kwarto ko kaya't dumeretso na ako sa cr.

Nanghilamos ako at nagmumog. Pag-angat ng mukha ko ay nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Nangingitim ang baba ng mata ko, magulo ang buhok, namumula ang mata at walang kulay ang labi. All because of crying myself to sleep last night.

Nang makita ko ang eksenang iyon kahapon, hindi ko na hinintay pang tumulo ang luha ko at dumeretso na pauwi. Nagmukmok agad ako sa kwarto, iyak nang iyak hanggang sa makatulog. Ni hindi man lang nakakain ng hapunan.

My heart was so heavy... Until now, the pain and the image of them is still lingering on my mind. Parang silang plakang paulit-ulit na naglalaro sa aking utak.

"Mom, bakit pinalitan na naman ang mga kurtina? Kapapalit pa lang niyan no'ng isang araw, ah? And why are y'all so busy? It's not like there's a big party coming."

Bumaling saakin ang ina ko nang magsalita ako habang pababa ng hagdan. Lantaran ang mga maids sa sala at lahat sila ay busy sa ginagawang paglinis ng bahay. May mga naglilinis ng chandelier, pinupunasan ang mga bintana at mga ibang gamit na madaling maalikabok.

Parang mas lumiwanag ang bahay namin at parang ang daming nagbago.

"Rude. Wala man lang, ‘good morning, Mom?’" Lumapit siya saakin at saka hinalikan ako sa noo. "Like I said, your Tita and Tito are coming. Might as well clean the house para naman presentable."

"The whole house?" I rolled my eyes. "It's not like they're going to live here for the mean time anyway. Bibisita lang naman. At saka mas gusto ko 'yung dating lagay ng bahay, bakit naman pati 'yun iniba pa?"

"Ang dami mong reklamo, Isleen, bakit 'di ka nalang tumulong? Come on, help here. I know marunong ka sa mga ganito," she looked at me with a small smile plastered on her lips.

Nakatitig lang ako sakanya, nakakunot ang noo. Masyado pang maaga, ginising lang ako para rito? Mabuti pa't aakyat ako sa kwarto ko pabalik.

Mas lalo lamang kumunot ang noo ko nang nahuli ko si mommy na nag-iba ang timpla ng kanyang mukha kakatingin saakin.

"Mamaya ka na pala tumulong. Maligo ka muna. Look at you! Nagpuyat ka ba kagabi?" Nanliit ang mga mata nito.

"No!" I lied.

"Oh my, Leen. You look so stressed!" she exclaimed. "Look at your hair, they're so... messy."

Umirap ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. They're so frizzy, what the hell.

"Bakit 'di ka pumunta sa salon at ipagupit mo iyan?"

Agad akong umiling. "No way, Mom..."

"Why not?"

"Basta! Huwag niyo ngang pakialaman ang buhok ko! At wala rin akong pera. Hindi niyo pa kaya binabalik ang credit card ko. Kung hindi lang pinahiram saakin ni Kuya Gio ang debit card niya, I would totally go broke!"

"Stop overreacting," she hissed.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik sa taas. Sumalpak agad ako sa kama at dumapa. It's Saturday. Weekend at wala akong gagawin. I don't want to stay here knowing that I'm alone. I don't even know where ate Iris could've gone this early.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon