Chapter 38
Isang araw simula noong nagkita si Elias at ang ama niya ay ibang-iba na siya kung kumilos. Balisa siya palagi at hindi mapakali. Hindi ko na rin siya nakita sa campus nang buong araw. Ni hindi kami sabay kumain at umuwi gaya nang nakasanayan.
Noong sumunod na araw naman ay tuluyan siyang naglaho. Kahit ang ina niya't kapatid ay hindi alam kung saan siya nagtungo. Kahit ako. Wala siyang kinausap bago siya umalis.
"Hindi niyo pa rin ba alam kung nasaan siya, Tita? Hindi pa rin ma-contact?" aligaga akong nagpabalik-balik nang lakad habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
Pinaglalaruan ko ang mga daliri dahil simula kahapon ay hindi na nakita si Eli. We were damn worried. Gustong-gusto ko nang maiyak sa pag-aalala at inis dahil ilang beses na namin siyang sinubukang i-reach out ngunit out of coverage siya.
"Nagtanong-tanong na rin kami kung nakita ba nila si Eli. Ilang beses naming tinawagan ngunit walang sumasagot," kinakabahang sagot ng ina niya.
I gulped the lump on my throat. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko habang nagtitipa na naman ng panibagong mensahe para kay Eli. Lahat ay ginawa na namin para mahanap siya ngunit siya lang itong magaling magtago.
I'm starting to lose my patience ngunit pinipigilan kong dumagdag pa sa problema. Hindi ko alam kung bakit siya gumaganito. Ang alam ko lang ang may alitan na nangyari sa gitna nilang mag-ama.
Isleen Cosette Mendoza:
Nasaan ka na, mahal? Uwi ka na oh.Ayaw mong nag-aalala ako sayo diba? Go home na. We'll talk about what's bothering you, okay?
I'm starting to cry na. You don't want me crying, right? Elias naman...
Mabigat na hininga ang pinakawalan ko at dinaluhan ang ginang na nakaupo na sa sofa. Sa mukha niya ay kitang-kita na nag-aalala siya nang sobra sa anak. She was agitated. Namumula ang mata niya ngunit putlang-putla ang kanyang mga labi.
"Tita, rest nalang po kayo.." hinagod ko ang likod niya. "I'm sure babalik si Eli. Baka gusto niya lang mapag-isa muna."
Humikbi ang ginang. "A-Alam kong nasaktan ko ang damdamin niya. I w-was so insensitive for s-shouting at him. I feel so t-terrible for telling those t-things to him."
"I'm sure naman po that you meant no harm," I tried to console her dahil mas lalong lumalakas ang iyak niya.
"He h-hates his father so much. A-And I f-forced him to forgive his father," ilang beses na umiling ang ginang na para bang sinisisi niya ang sarili sa nangyayari. "I d-didn't understand his feelings... I s-slapped him for being so d-disrespectful towards his f-father. May ibang pamilya na ang ama niya at hindi niya maintindihan kung bakit bumalik pa ito saamin."
Nanatili lang akong nakaupo sa gilid niya, nakikinig sa mga sinasabi niya tungkol sa nangyari. Elias had a fight with his father. He hates him, obviously. May ibang pamilya na pala ang tatay niya at iniwan na sila nito noong bata pa lang si Eli. I understand where he's coming from but him disappearing like this isn't the right solution for his problems.
Mas lalo tuloy akong natakot at dinadaga ang dibdib sa sobrang kaba para sakanya. Where could he be right now? Lahat ng mga kaibigan at kakilala niya ay pinagtanungan ko na ngunit wala ni isa sakanila ang may alam kung nasaan si Elias.
Nang kumalma na ang ginang ay tinawag ko si Tobi para alalayan ito patungo sa kwarto para makapagpahinga. Nagpaalam na rin naman ako bago umalis dahil maggagabi na. Buti nalang talaga't linggo ngayon kaya walang pasok. Bukas ay balik skwela na naman at hindi ko alam kung ano ang gagawin lalo na't malapit na ang exam namin.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomantikCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...