Chapter 36

110 2 0
                                    

Chapter 36

"Malapit na palang mag-open yung eat-all-you-can buffet malapit sa BGC 'no?"

Tinanguan ko si Faye sa tanong niya bago nilantakan muli ang fries na kinakain. Weekend na naman kaya nagkita-kita kaming muli. Minsan nalang kasi kami magsama-sama kasi pareho na kaming busy. Kaya ganun nalang ang saya ko na um-oo silang lahat nung nag-aya akong gumala kami.

"Kapag nag-opening na punta tayo!" masiglang ani ni Avy. "Libre ni Isleen, diba?"

Napakunot ang noo ko nang lingunin niya ako. Alam ko namang nagbibiro lang siya ngunit tumango pa rin ako para sabayan siya.

"Walang problema," pagmamayabang ko.

Malapit na kasi ang 6th monthsary namin ni Elias kaya nagpatulong ako sakanila na mamili ng regalo. Wala pa kaming nahanap at gutom na kami kaya dumaan muna kami sa isang fast food chain. Syempre, libre ni Avy.

"Kapag nakahanap ka na ng gift para kay Eli, samahan niyo 'kong maghanap ng Christmas decorations, ah?" ani Avy, excited nang lagyan ng mga palamuti ang condo niya.

Ber months na rin kasi kaya kanya-kanya nang bili ang mga tao na pwedeng pan-dekorasyon sa mga bahay nila. Mabuti na rin kung advance bumili kasi dagsa na ang mga tao kapag last minute na. Nang matapos kumain ay bumalik ulit kami sa mall para ipagpatuloy ang pamimili. Naiwan kami ni Van sa Gucci store dahil pinauna na namin ang tatlo na bumili ng mga kailangan ni Avy. 

"Eto nalang kaya? What do you think?"

Pinakita ko kay Van ang isang Gucci wallet pagkatapos ay nginitian siya.

"That's nice.." tipid na kumento niya.

Napanguso naman ako at ibinalik iyon sa lalagyan. It was nice, really, but I want to give Eli something that he can physically wear. Nakabuntot lang saakin si Van habang iniisa-isa ang mga tinda na nasa loob, baka sakaling may matipuhang iregalo kay Eli.

"Bakit ka ba nahihirapang maghanap ng ireregalo sakanya?" medyo iritado nang aniya. "Just give him something he likes.."

"How 'bout this?" Kinuha ko ang isang itim na relo at ipinakita iyon sakanya.

I already imagine Eli wearing this on his left wrist. Sigurado akong bagay na bagay 'to sakanya dahil sa maputi niyang balat. I smiled at the thought.

"Eto nalang?" baling ko sa kasama.

"That's better..." she subtly shrugs.

Nginusuan ko siya bago nagtaas ng kamay para tawagin ang isang staff. Sa huli ay iyon ang napagdesisyunan kong bilhin. Agad naman kami nitong dinaluhan at agad na nilagay sa lalagyan ang mamahaling relo. Nang makalabas na kami roon ay malaki ang ngiti ko habang yakap-yakap ang sisidlan ng binili.

"I didn't think you would spend that much money to buy him a gift.." pinasadahan niya pa ng tingin ang dala ko bago nagkibit balikat. "I'm sure he'll be happy. He deserve that."

"Right?" sang-ayon ko sa huling sinabi niya. "Kulang pa nga 'to, eh," hagikgik ko.

Nang wala nang ibang gawin ay hinanap agad namin ang tatlo pa naming kasama at pumasok sa mall na sinabi nila kanina. Dumiretso kami sa section kung saan maaari silang makita at agad na tumakbo nang nakumpirmang andun nga sila. Nagtanong pa sila kung ano ang napili naming bilhin pagkalapit. Sinabi ko naman nila kung ano at namili na rin ng mga decoration kasi nagandahan ako sa mga stocks ngayon.

"I'll decorate this with Eli," sabi ko sakanila habang nangunguha ng mga gamit na natitipuhan.

"Luh, wala namang nagtanong," mahinang saad ni Faye, halatang nagpaparinig.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon