Chapter 6
Few weeks later after our examination, the professor finally gave us our grades.
Hindi ako mapakali sa upuan ko. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay habang pilit na pinapagaan ang sarili. Nanginginig ang katawan ko. My nerves won't calm down. My breathing is heavy and isn't normal.
"Mendoza, Isleen Cosette..."
Mahina akong bumuntong-hininga at pinapakalma ang sarili nang i-type ang pangalan sa laptop ko para tingnan kung anong grado ang nakuha. My knees were trembling as soon as I saw it. Pinikit ko pa ang mga mata at tinabunan ang mga numero sa kamay bago dahan-dahang tiningnan iyon. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Abot tahip ang kaba nang pinasadahan ko ng tingin 'yon at huminto nang makita ang subject na hinahanap ko.
Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang iba pang mga major subjects dahil alam ko naman na malaki ang markang nakuha ko roon. Wala na akong problema.
Agad na bumagsak ang balikat ko nang inilipat ko ang tingin ko sa markang nakuha at bumagal ang hininga dahil sa pagkadismaya.
It was 2.00
Gustong tumulo ng luha ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Straight uno ang iba, sa subject na ito lang ako nakakuha ng dos na grado.
My efforts were not paid off. Sayang ang gabing pinuyat ko kakaaral ngunit maliit na marka rin pala ang nakuha. Sayang ang gutom na ininda ko para lang makapag-review ngunit hindi rin pala nakakuha ng mataas na marka. Sayang lang ang effort ko.
"Class, always remember that whatever grades you got... it doesn't matter. Even if you got low or high grades... It's doesn't define your future. It doesn't define you as a person and as a student. May pag-asa pa naman. Kaya niyo 'yan! Huwag kayong panghinaan ng loob," our professor reminded.
Kahit na may punto naman siya ay 'di ko parin maiwasang madissapoint sa sarili. Once again, I've disappointed my self and my family.
"Class dismissed..."
Nang inannounce ng propesor 'yon ay agad na nagsitayuan ang mga blockmates ko. Lalo na ako na parang nagmamadaling lumabas dahil hindi ko na inayos ang mga gamit ko at basta-basta nalang 'yon isinaksak sa loob ng bag.
Dere-deretso ang lakad ko paglabas sa room. Binaybay ko na rin ang exit ng building namin at dere-deretso lang ang lakad. Ni hindi ko iniwasan ang mga nakasalubong at di sila tinulungan nang mabangga ko sila.
Masyado akong wala sa sarili. Parang hinihigop ng hangin ang isip ko. I feel numb. Napakuyom ang kamao ko habang naglalakad. Gusto ko nang umuwi. Patapos na rin naman ang klase kaya mauuna nalang ako. Magt-taxi nalang ako pauwi.
Dito palang sa university ay hinanda ko na ang sarili sa maririnig na naman mamaya pag-uwi sa bahay. Para akong pinaghihinaan ng loob. Para bang nawalan ako ng pag-asa.
"Isleen!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na 'yon at nakita si Eli na hinihingal at habol ang hininga, tila ba kanina pa ako tinatawag at hinahanap.
Nang mag-angat siya ng tingin para salubungin ang mga mata ko ay agad akong umiwas at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
"Uy, pansinin mo naman ako," aniya at ngumuso.
Sunod siya nang sunod saakin hanggang sa nasa harap na kami ng main building. Masyado akong nagmamadali kaya hindi ko nalang siya pinapansin.
"Ba't nagmamadali ka?" tanong niya.
Huminto ako at ginulo ang buhok. Hinipan ko pa ang buhok na napunta sa mukha ko at muli siyang hinarap.
"May next class ka pa, ah?" kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...