Chapter 29

104 3 2
                                    

Chapter 29

It's been two days.

Dalawang araw na ang nakalipas nang dalhin nila ako rito sa hospital. Tuliro pa rin ako hanggang ngayon at 'di makapaniwala sa kinahinatnan. Hindi na ako nakapag-take ng finals namin dahil sa nangyari and it's not a good thing. Mom and dad aren't so thrilled about it. Palagay ko'y mas lalo pa nilang iniisip ang hindi ko pag-take ng finals kesa sa kalagayan ng sarili nilang anak. Well... They didn't really consider me as their daughter.

Kahit na kompleto naman ang tulog ay pakiramdam ko'y kulang pa rin ako sa pahinga.

Hindi ako mapakali sa kinahihigaan at gusto nang lumabas pa't umalis sa lugar na ito. It's like I've been imprisoned here. Madalas lang din akong dalawin ng magulang dahil busy sa trabaho at ang dalawang kapatid naman ay may sariling ginagawa.

Ilang beses na rin naman akong na-hospital dito sa Lorcan's dahil sa sakit ngunit ngayon ay tila iba. Iba ang pakiramdam ko. Wala ako sa sarili at palaging tulala sa kawalan. Wala sa tamang pag-iisip at hindi mapakalma ang pagtambol ng dibdib sa 'di malamang dahilan.

Ang mga kaibigan ang sumalba saakin pagdating ng hapon. I was so happy when they visited. Kailangan ko rin ng kasama rito. Ayaw kong mabulok muli nang buong araw. Masyado silang maingay kaya naman ay nabuhay ang tila namatay saakin.

"Pasensya na kung hindi kami nakapunta kahapon. Finals din kasi namin," bungad ni Avy saakin at yumakap. "Kumusta ka na?"

"Hindi masyadong maayos," matamlay na sagot ko.

Umupo sila sa couch at nakatingin lamang saakin. Buti nalang at malaki ang private room na kinuha kaya kasya silang lahat dito. Pwede ngang dito sila matulog mamaya.

"Oh, bakit ka matamlay? Bored na bored ka na, 'no?" Si Faye habang binabalatan ang prutas na dala nila para ibigay saakin.

Hindi ako kumibo at naghintay lang na iabot niya saakin ang nabalatan ng orange.

"Gusto mo itakas ka namin?" Walang kwentang suhestyon ni Jayci.

Halatang biglaan ang pag-uwi niya ng Pinas. Dala-dala niya pa rin kasi ang maleta niya, mukhang dito na dumiretso galing airport. Hindi rin naman siya magtatagal dito dahil wala siya masyadong dala.

"Manahimik ka nga. Ibalik kita sa inyo, eh," si Van na halatang naiirita na sa kaingayan ng lalaki.

Kanina pa kasi ito tanong nang tanong kung ano raw ang nangyari. Aniya'y umalis lang daw siya sa bansa ay hindi na siya tinuturing namin na kaibigan. Sabi pa niya'y nagtatampo raw siya saamin kasi hindi na kami nagk-kwento sakanya.

Ang mga kaibigan ko nama'y panay ang panunukso nila rito at ito naman ay 'di magkamayaw sa sobrang inis. Nakanguso itong lumapit saakin at umupo sa kama ko. Pinasadahan niya ako ng tingin, mula sa mga kamay na may nakatusok na dextrose patungo sa mga mata ko. Tinitigan niya ako nang matagal, naghahanap ng kung ano.

Hindi ko tuloy magawang tingnan siya pabalik dahil masyadong mabigat ang mga titig niya. Hindi ako mapakali lalo na nung tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ko.

"Wala man lang pagbati? I got here as soon as I can, hindi mo ba ako na-miss?" he jokingly said.

I sighed in relief at the tone of his voice. Akala ko, pagagalitan niya ako o pagsasabihan ng kung ano. I was sure earlier though that his eyes were questioning me.

"Hoy, huwag mo masyado usisahin 'yan si Isleen. Spare her with your annoying questions and jokes, Morrigan," banta ni Arci at binigyan ng matalim na tingin ang lalaki.

"Nangungumusta lang. Polaroid ka masyado, Garza," utas ni Jayci.

"Paranoid 'yun, tanga!"

Hindi na pinansin ng lalaki ang kaibigan at ibinalik ang tingin saakin. He was sighing in repeat. Tila ba may gusto siyang sabihin o tanungin ngunit hindi siya makapagsalita. His lips keep on parting but no words came out. Sa huli ay pinili niya na lang na manahimik.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon