Chapter 24

99 2 0
                                    

Chapter 24

Parang hinahati ang puso ko sa dalawa nang matanaw ang papalayong bulto ni Eli. Gustong-gusto nang bumigay ng mga tuhod ko at lumuhod nalang sa lupa. Mabuti nalang at bago iyon mangyari ay nahawakan ako ni Thalie sa braso.

"Isleen!" mahinang sigaw niya para matauhan ako. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan papunta sa may sementadong bench.

Nanghihina ang buong katawan ko. I even think that there's no tears left to cry but my heart is in so much ache that I can feel it clenching inside. It feels like lethal daggers were buried deep inside my heart. My nerves were frozen and my body is shaking in cold, fear, and pain. I can't understand what I'm feeling.

"Isleen, tahan na, oh." Nathalie's voice almost broke. "Leen... Tigil na, pakiusap. Maawa ka naman sa sarili mo!"

I sobbed. "Lie, gusto ko munang mapag-isa."

"Hindi kita iiwan dito kahit ano pang sabihin mo!" Pagmamatigas niya.

"Lie!" I warned.

"Hindi nga kita iiwan mag-isa, Isleen! Dito lang ako. Mananahimik lang ako rito hanggang sa tumahan ka! Jusko naman! Isipin mo naman ang sarili mo!" She sounded so mad, so frustrated, so worried. "May sakit ka, baka nakakalimutan mo?" hindi pa rin siya tapos.

I cried more. Yumuko ako, ang isang kamay ay nakapatong sa hita, supporting my weight. Ang isa naman ay nakatabon sa bibig ko, pinipigilan ang anumang ingay na maaaring lumabas.

My breath started to hitch. Bumigat ang paghinga ko. Bawat taas-baba ng dibdib ay agresibo. I clenched my fist and punched my heart many times.

"Isleen..." halos mangiyak-ngiyak na tawag ni Nathalie. Pinigilan niya ang kamay ko sa pagsuntok sa dibdib kahit na kumakawala ako.

When she calmed me down, she squat infront of me. Inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga para makita niya ang buong mukha ko.

"Tumahan na tayo, ah? Uwi na tayo, ihahatid kita," she said, in the most gentle way possible.

She helped me stand up. She hold both of my wrist and smiled at me.

"Masakit pa ba?"

Tumango ako.

She hugged me tightly. Sa oras na iyon hindi ako umiyak. I remained still. Hanggang sa makauwi ako ay nanatili akong tulala, tila nililipad ng hangin ang aking isip. Hinatid ako ni Thalie pauwi. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sakanya at agad na pumasok sa loob.

Sa gate palang ako ay rinig ko na ang tawanan ng mga tao sa loob. Humigit ako ng malalim na hininga at inayos ang sarili, making sure not to leave a trace of me crying earlier.

"Isleen? Nakauwi ka na pala." Nang makita nila akong pumasok ay agad nila akong tinawag.

They didn't even bother to say 'hi'.

Hindi naman na bago iyon kaya ayos lang.

"Wala ka na bang klase? May schedule ka ngayon, ah? Hindi ka pumasok?" Tumingin sa relo si mommy at nang makita ang oras ay nagtaka siya.

"Hindi po," malumanay kong sagot. "Vacant po kasi namin buong hapon kaya umuwi nalang po ako." I lied.

Unti-unting bumalik sa dating ritmo ang paghinga ko subalit hindi pa rin nawawala ang punyal na nakaturok sa aking dibdib.

"Stop lying, you didn't even bring your bag. Sa tingin mo maniniwala ako sayo? I wasn't born yesterday," she said in annoyance.

"Ma, huwag ngayon, please. Pagod ako," I ran my fingers through my hair and look up. I swallowed hard, thinking that I could brush the lump on my throat by swallowing.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon