Chapter 48
"You're wet."
Napakurap-kurap ako at lumundag sa kinauupuan. Napaatras siya dahil doon.
"Huh?"
"I mean, your hair's wet," aniya. Niligpit niya ang kit na dala niya tsaka binitbit iyon. "I have a blower in my office, you can use it to dry your hair."
Nagulat pa ako sa sinabi niya ngunit agad din namang nakabawi. Napaisip ako kung bakit may blower siya sa office niya ngunit agad din namang nasagutan iyon nang may naalala. Sigurado akong kay Rebecca iyon. Ngunit ang totoong tanong ay bakit nandoon sa office niya?
"It's mine," tikhim niya.
Agad ko siyang tiningnan. His expression is soft and warm, unlike the expressions that he's giving me these past few days.
"The blower," pagkaklaro niya. "It's mine. Don't ask how and why. Let's go get it."
Tumalikod siya saakin at naunang maglakad palabas.
"Di ko naman tinatanong," bulong ko habang nakasunod sakanya, bitbit ang basang blazer na suot kanina.
"I can see it in your face earlier," sabi niya pa.
Umirap ako at tahimik lamang na sumunod sakanya hanggang sa makarating kami sa office niya. Agad akong binalot ng lamig nang makapasok doon at nang makita niyang bahagya akong nanginig ay hininaan niya ang aircon.
Kinuha niya ang blower niya mula sa drawer ng table niya.
"Salamat," sabi ko at inabot iyon.
He cleared his throat.
"Do you want me to help you dry your hair?" may pag-aalinlangang tanong niya. Ni hindi siya makatingin saakin.
"Hindi na," iling ko. "Ibabalik ko agad ito," pinal na sabi ko bago lumabas sa opisina niya.
Tutulungan niya pa talaga akong i-blower and buhok ko. Para saan? Para ma-issue kami kapag may makakita? Paano kapag malaman ni Rebecca? Sensitive ang mga buntis kaya sana naman ay mag-isip si Elias bago mag-offer saakin nang ganoon!
Buo na ang loob ko. Buo na ang desisyon ko na layuan na siya at hayaang maging masaya sa bago niya.
Oo. Mahal ko pa siya pero hindi naman ako tanga para um-oo sa alok niya! Atsaka nasaan ba si Rebecca? Hindi pa naman umaabot ng isang buwan ang pagbubuntis niya para mag-leave sa trabaho.
Pinagpaliban ko nalang ang isiping iyon at pumasok na sa opisina. Wala si Avy at Van doon kaya naman wala akong mahingian ng tulong para i-blower ang buhok.
Sinimulan ko na ang pagpapatuyo ng buhok ngunit kalaunan ay tumigil dahil nangangalay na ang braso ko. Nakatayo pa ako dahil malayo ang saksakan sa lamesa ko at hassle rin kapag nag swivel chair pa 'ko.
Sakto namang paglabas ko ay nakita ko si Roswell kaya tinawag ko siya.
"Patulong naman, please..."
Ngumiti siya. "Saan ba?"
I smiled shyly. "Pa-blower lang ng buhok. Di ko kasi maabot sa likod," ngumuso ako.
Natawa siya. "Oo naman."
Pumasok kami sa opisina ko at iniwan kong bukas ang pintuan para hindi kami magmukhang suspicious sa loob. Pinaupo niya ako sa swivel chair ko na hinigit niya tsaka sinimulang patuyuin ang buhok ko. Sinuklay-suklay niya rin iyon na may halong pag-iingat, takot na baka masaktan ako.
"My hair's getting long, 'no? Should I cut my hair na ba? You know, for a change," sabi ko sakanya.
"Yeah, you should."
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...