Chapter 43

104 6 0
                                    

Chapter 43

The ground breaking ceremony ended while my mind remained blank. Walang pumapasok sa isip ko simula kanina. We took pictures and ate.. but everything is a blur to me afterwards.

Hindi pa rin sila umaalis. Kasama ang team niya at si Nathaniel ay nililibot at nirereview nila ang lupa. Nagtatawanan pa sila at kanina ko pa napapansin ang pagiging malapit ni Elias at ang babaeng inalalayan niya kanina. Klarong-klaro ko sila kahit malayo ang pinagpapahingahan namin nina Avy at Van.

I mean, wala naman akong pake sa kung anong namamagitan sakanila but we're working! Mamaya nalang sila magharutan pagkatapos ng working hours!

I grunted loudly as I grabbed a bottle of water.

"Galit na galit, ah?" pang-aasar ni Avy. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Check muna natin ang karapatan bago magselos, ha?"

Hinagis ko sakanya ang mineral water na walang laman.

"Manahimik ka nga," asik ko rito. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at sumandal sa plastic na upuan. Mabuti nalang at may pinatayong retractable tent dito kaya may nasisilungan kami. Tanghali na kasi kaya mainit na.

"Fully healed sa umaga, what if hindi ko iyon ginawa sa gabi," sakay naman ni Van sa pang-aasar ni Avy.

Inambahan ko siya ng pabirong suntok dahil nakaupo lang naman siya sa harap ko at tumawa lang ang demonyo. They all find out afterwards about what happened to Elias and I. Hindi nila ako tinigilan tungkol saamin kaya hindi ko rin napigilang ikwento sakanila ang buong pangyayari.

They were neutral about it. Sabi nila ay tama naman ang ginawa kong pagsalba kay Elijah ngunit hindi tama iyong nagsinungaling ako kay Elias at saktan siya. They said If I just straight-up told Elias about it, our relationship must've been saved. But it wasn't that easy. Madaling sabihin pero ang hirap gawin.

But, I do sometimes wonder... What if I told Eli about it? Kami pa rin ba hanggang ngayon? Masaya pa rin ba kaya kami hanggang ngayon? Hindi lang ba ako uupo rito at titingnan siya sa mula sa malayo habang masayang nakikipag-usap sa isang babaeng hindi ko kilala at hindi ko alam kung ano ito sa buhay niya? Kung sinabi ko ba... hindi ako magsisisi ngayon?

"Sayang 'no?" saad ni Avy, sinusundan ang tingin ko.

I sighed. "He's successful now, and I'm happy about it. Truly."

"Bakit parang malungkot ka?" si Van.

I shrugged. "Wala lang. Para kasing ang layo niya na. I knew he'd be successful and big, but now that we're here... I realized that... Sayang pala kami dati. Kasama dapat ako mag-celebrate sa mga success niya, eh," I smiled sadly.

I'd be lying If I say that I did not expect to be reunited with him again. Ilang beses sumagi sa isipan ko na magkikita rin kami balang araw at masaya na kami sa mga buhay namin pareho. Ilang beses ko nang naisip na magk-krus din ang landas naming dalawa balang-araw.

May it be on the road, in a small coffee shop, at a party of our mutual friends, at a social gathering... and in work.

And now that we're finally here.. now that we finally saw each other, I can say that I missed him.

"Look how much he cared about her," I said while looking at Elias and the woman. "Look at his genuine smile.. ganyan din siya mag smile saakin dati, eh. Puno ng pagmamahal at lambing.. tapos ang lambot pa ng tingin niya," puno ng panghihinayang na saad ko. "Look at how he carried the umbrella for her. Ayaw man lang painitan," I bitterly smiled.

The way he walk, the way he smile, the way he talk, and his professionalism... I am so proud of what he's become. His achievements are the payback of his hardships and hard work. He finally got his reward.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon