Chapter 40

120 4 4
                                    

Chapter 40

Pabagsak akong dumapa sa kama ko pagdating galing sa skwela. Nang uwian na ay dumiretso agad ako ng uwi. Hindi kami magkasabay ni Elias gaya nang nakasanayan. Hindi ko rin naman siya hinintay. Everything that happened was mentally draining me. Mula sa pagtatampo ni Elias, sa pagsigaw at pagtaboy saakin ni Elijah at... Sa sinabi ni Eli kanina nang puntahan ko siya sa building nila.

I groaned and closed my eyes. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay nakaidlip ako nang naka-uniporme palang at hindi pa nakapaglinis ng katawan.

It's already dark when I woke up. Naligo muna 'ko bago nagluto ng dinner. Dinala ko pa ang phone ko sa lamesa para makapag-browse habang kumakain ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang bumungad saakin ang halos isang daang missed calls galing kay Elijah.

Napalunok ako at huminto sa pag-kain at tinawagan siya. Wala pang dalawang rings ay sumagot naman ang lalaki.

"Hello?"

"Isleen," I heard him say my name, stuttering. "Are you there? I'm sorry about earlier. I didn't mean to shout and push you. Please, I'm sorry."

I swallowed so hard.

"Elijah—"

"I'm sorry, please... Don't do this to me. Huwag kang lumayo saakin, please... I didn't mean anything I've done. Wala ako sa tamang pag-iisip... Please..." he sounded so sincere.

Kumirot ang dibdib ko. The way he uttered those words made my knees go weak. Puno ng pagmamakaawa, sakit, at pagsusumamo. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang intindihin siya. Wala akong ibang magawa kundi ang maging nandyan para sakanya. Kung wala ako, paano nalang siya?

I tried my best to understand him. Anong takot at pagdadalawang-isip ay iwinaksi ko. I don't wanna be selfish... Kanina pa nga noong iniwan ko siya ay tila sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno sa pag-aalala sakanya.

"Elijah.. naiintindihan kita," bulong ko. "Hindi ako lalayo sayo. Sabi ko naman sayo, diba? Hindi kita iiwan."

Natahimik sa kabilang linya kaya tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Hindi niya pa rin ibinaba ang tawag.

I sighed. "Did you eat?"

"Y-Yeah.."

"Okay," tumango ako. "Make sure to clean yourself before resting, hmm? Don't be too hard on yourself, Elijah. You have to be strong. Paano nalang kung wala ako?" humina ang boses ko sa huling sinabi.

"B-Bakit? You'll leave me?"

"Of course not," sagot ko. "Hindi kita iiwan. Pangako 'yan..."

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin. Nagpaalam na ako sakanya dahil lumalamig na ang pagkain ko. Nawalan tuloy ako ng gana nang sumubo ako ulit kaya nilagay ko nalang sa lababo ang pinagkainan ko at agad na bumalik sa kwarto.

Kinabukasan ay muntik pa akong ma-late papunta sa UST dahil napasarap ang tulog ko. Nakarating tuloy ako sa room namin na walang suklay ang buhok.

"Oh, 'di ka hinatid?" bungad ni Cherie saakin na naging malapit ko nang kaibigan dito sa room.

Kumunot ang noo ko. "Nino?"

"Shota mo," ngiwi niya. "Nag-away ba kayo?"

"Hindi," iling ko. "Porket di ako hinatid, nag-away kaagad?"

"Sabagay," kibit-balikat niya.

Di rin naman niya ako pinaulanan ng tanong at hinayaan nalang akong mapag-isa. Honestly, hindi ko alam kung saan si Elias. Sa nangyari kahapon ay hindi ko alam ang mararamdaman. Ayokong magtampo dahil nagtatampo siya saakin. Ayokong sabayan ang nararamdaman niya.. baka lumaki pa 'tong problema.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon