Chapter 25
Palaisipan pa rin saakin ang tanong na iyon ni Thalie. I didn't know why she ask that. Hindi ko alam kung saan iyon naggaling. Hanggang sa makauwi ay laman pa rin iyon ng aking isipan.
I was so relieved when mom and dad aren't home yet. Baka ay nasa trabaho pa. Madalas ay hindi sila umuuwi ng ilang araw lalo na kapag may case silang kailangang tapusin. Mom and Dad had their own firm. They started it after they got married, it was successful that it 'cause our family name to blow up.
I was so proud of them... I want to be like them. Gusto kong gumaya sa kanila, na kahit noong bata pa sila'y alam na nila ang gusto nilang marating. Alam ko rin naman kung ano ang gusto kong gawin... Pero ang hindi ko alam ay kung paano ako magsisimula.
I don't know how to start. Takot akong baka sa taas ng expectations ko sa sarili ay wala ni isa akong makamit. I am so scared of my own downfall. I might lose my sanity if time comes and I have to give up my dreams and plans.
"Ang pangit talaga ng ugali ni Isleen." I stopped midway when I heard Tita talking to her husband. Pababa pa lang sana ako para pumunta sa kusina nang marinig ko silang nag-uusap.
"Angelique, stop. She might hear you," Tito tried to stop her but she just shrug it off.
"Why? I'm not allowed to say the truth? Malamang ay nasa kwarto niya naman iyon at nagmumukmok. Ganoon talaga ang bata na 'yun, simula pa noon. Hindi na ako nagulat nang sagut-sagutin niya si Ivory sa harap ko. What an ungrateful brat," dagdag niya pa.
Napako ang mga paa ko sa sahig. Ganon ba talaga ang tingin saakin ng lahat? Ganon ba talaga ako? Am I an awful person? Hindi na ba talaga ako magbabago? Should I stop doing what I want and change for them?
"I wouldn't be surprise if sooner or later she'll start to rebel. Ewan ko sa batang iyon, matalino naman ang magulang niya pero ewan ko nalang sakanya. She's hard to understand." pagpapatuloy niya.
Hindi ba nila napansin ang presensya ko? O sinasadya niya iyon na iparinig saakin?
Tito sighed. "Maybe she's hard to understand because no one tried to understand her," he said
Bumuntonghininga ako at nanatili sa kinatatayuan. I have come to this point in my life that I started to question myself... Am I really that kind of daughter? Should I just follow them? Am I not good enough? Can't I really make them happy? Kailan kaya sila magiging proud saakin?
Agad akong tumalikod at kinalimutan nalang ang gagawin sa kusina. Bumalik ako sa kwarto ko at agad na sumampa sa kama. I stared at the ceiling, wondering... has anyone tried to understand me... At all?
Kinabukasan ay maaga akong umalis papunta sa university. Buti nalang at may napara akong jeep sa labas kahit masyado pang maaga. 'Yun nga lang ay doble ang binayad ko sa driver kasi nag-iisa lang akong pasahero.
"Ano? Nagj-jeep ka pa rin?" Umiiling na wika ni Thalie nang makababa sa sakayan ng jeep. I called her right after I woke up para sabay na kaming pumasok. Nainis pa nga siya kasi ang aga pa raw.
"Malamang. Wala naman akong ibang masasakyan," sagot ko.
Humikab siya at nag stretch. "Grabe ilang buwan na ang nakalipas hindi pa rin binalik sayo ang kotse at card mo? May balak ba silang gawin kang pulubi?" She used her books as a dumbbell.
"Malay ko sakanila." mahinang saad ko at naglibot-libot.
Bawat hakbang ay amoy na amoy ko ang preskong simoy ng hangin. Malamig at kalmado. I exhaled the fresh air and closed my eyes, feeling the warmth that was embracing me even though it was quite cold.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...