Chapter 31

106 3 0
                                    

Chapter 31

"Hala ka, Leen..." Aly muttered, looking so dismayed. "Hindi na tayo classmates! Paano na to?"

Binalik niya sa akin ang tablet ko, kung saan naroon ang aking schedule. I quickly rushed to hers and scan it and found out that we really are not blockmates this year. Block A ako habang siya ay Block B.

Puno na kasi ang slot kasi marami ang second year Archi students. I sighed.

Unang araw ng klase ngayon and I can say that I missed school. I missed roaming around the campus, having my time at my favorite spot, eating with my friends and everything.

"Wala na akong kadaldalan kapag vacant!" she was stamping her foot to the ground like a kid.

"Hayaan mo na. Kasama ka naman namin kumain sa break time," sabi ko nalang.

Wala naman na kaming magagawa roon. Kahit pareho kami ng course na kinuha ay hindi pa rin tugma ang schedule naming dalawa. Hindi rin naman kami ang naga-arrange non. We just need to manage our time, in order to do the tasks that we're assigned to.

Second year na kami ngayon kaya't dagsa na ang gawain. Unang araw pa nga lang ng pasukan ay nagpa-quiz na ang professor namin tungkol sa kung ano ang mga natutunan namin last school year.

"May dapat ka pang ichika saakin. Kwento mo saakin kung paano naging kayo ni Elias. Kung paano ka niya niligawan, basta lahat!"

Iyon ang huling sinabi saakin ni Alyson bago kami naghiwalay. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin, nakataas ang sulok ng labi at nakahanda ng usisahin ako.

Nothing exciting happened at class hours. Gaya pa rin ng dati ang pangyayari sa loob ng room. Wala pa masyadong prof ang pumasok saamin dahil first day pa lang naman kaya buong oras ay lunch time ang hinihintay ko.

"Isleen daw," sambit nong isang kaklase ko at itinuro ang pinto.

Napangiti ako at dali-daling inayos ang mga gamit sa bag. Awtomatikong tumaas ang leeg ko para silipin ang naghihintay sa labas. Malayo ang upuan ko sa pintoan kaya hindi ko siya masyadong klaro.

Sinukbit ko ang bag nang matapos at tinakbo ang distansya mula sa kinaroroonan patungo sakanya.

"Hi," bati ko saka siya nginitian. "Let's go?" I held his hand and intertwined it with mine as we walk together to the cafeteria.

Hindi niya ako pinalakad na dala ang mga gamit. He carried my bag with his free hand habang binabaybay namin ang daan patungo sa pupuntahan.

Kahit na nong nakarating na kami sa cafeteria ay hindi mabura-bura ang ngisi sa labi ko. Hirap na hirap akong pigilan iyon dahil ayokong makahalata sina Zoren at Alyson na kasabay rin naming mananghalian.

"What do you wanna eat today?" tanong ni Elias pagkaupo namin. "Ako na oorder."

Gumala ang mga mata ko sa menu. "Isang cup ng rice at tatlong shanghai," wika ko saka siya nginitian.

Tumango siya at kinuha ang pitaka sa bag bago dumalo sa pila. Sinundan ko pa siya ng tingin habang pumipila bago humarap sa mga kasama.

"What do you wanna eat today?" tumayo si Zoren, mocking what Elias said earlier. "Ako na rin ang oorder," anito kay Alyson.

Alyson made a face. "Gago, mukha kang timang," malakas itong tumawa. "Umupo ka nga!"

Zoren chuckled. "Galing talaga ng manok ko," proud na proud pa na saad nito. "Alviero, prayer reveal naman diyan!" sigaw nito at kumindat pa sa kaibigan.

Nasapo ko ang noo dahil sa ginawa niya. Si Alyson naman ay pulang-pula na sa hiya dahil sa ginawa ni Zoren. Halos lahat ng mga mata ay nasa amin nakatungo. Tawang-tawa naman si Zoren sa ginawa. Nang pumihit ako para tingnan si Elias ay nakangiti rin ito at umiling-iling pa.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon