Chapter 34

103 1 0
                                    

Chapter 34

"Sino yun, Lie?"

Sinundan ng mga mata ko ang pigura ng babaeng papalayo saamin. Nakita ko sila ni Thalie na magkausap. Hindi ko na natanaw nang maayos ang mukha niya nang makalapit. I'm sure she don't go to school here though.

Nathalie licked her lip.

"My girl," she answered, cheeks turning into red.

Namilog ang mga mata ko, ganun din ang mga labi. "Gago?" hindi makapaniwalang sambit ko. "Girlfriend mo? Ba't di ko alam?"

She lightly nodded.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahit na ilang beses na siyang tumango. Sinundan ko siya nang magtungo siya sa library. Hindi ko alam kung bakit doon siya nagpunta e maaga pa naman. Nakabuntot lang ako sakanya, hindi siya tinitigilan tungkol sa babaeng yun.

"Akala ko straight ka?!"

Agad kong tinikom ang bibig nang biglang lumakas ang boses. Pati siya ay nagulat tsaka iminuwestrang tumahimik ako.

"Akala ko straight ka?" ulit ko sa mas mababang tono. "You had so many guy crushes before. Bakit ngayon ko lang nalamang you're into both genders pala?"

"Ganda, eh," aniya, halatang kinikilig. "Hindi ko pa nga lang siya girlfriend," she subtly shrugged. "Nililigawan niya pa lang ako, but we're getting there."

I shifted on my seat. Nasa harapan ko siya nakaupo kaya kitang-kita ko ang buong mukha niya habang may binabasa. Hindi pa rin napapawi ang kuryusidad ko kahit na ilang beses na niya akong sinabihang iku-kwento niya saakin lahat kapag may oras na siya.

Parang nangangati ang dila ko sa kagustuhang usisahin siya. Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman agad ang tungkol doon ngayon din.

"Anong pronouns niya?"

She looked up to me. "Parehas kaming she," she straight-up replied.

I made a face when she instantly looked away. Ang buong atensyon na nito ay nasa libro, hindi na ako muling tinapunan ng tingin. Hindi na rin nito sinasagot ang mga tanong ko kaya nagpaalam na rin ako sakanya dahil malapit na ang first class ko.

Nangako naman siya saaking sasabihin niya lahat. She promised she would say every detail of it. Walang labis, walang kulang.

Nakangiti naman ako habang binabaybay ang daan pabalik sa building namin. Yun nga lang, nakalimutan kong hingin ang pangalan ng babae o di kaya makita man lang sa litrato. Based on what I saw earlier, the girl has a nice body. Matangkad tsaka medyo maputi. Ang buhok ay hanggang balikat ang haba.

Nung dumating ang lunch ay nagulat ako nang sumalubong saakin si Alyson sa labas. Mukhang kararating lang din nito at hinihintay ang paglabas ko. I expected Elias to come here though.

Nagtaas ang mga kilay ko biglang tanong kung anong sadya niya rito.

"Sabay na tayo pumunta sa cafe," she snaked her arms around mine. "Nagpaalam na ako kay Elias na ako kukuha sayo."

Wala na rin naman akong nagawa at nagpahila nalang sakanya. Aniya'y namiss niya raw na makasama akong maglakad papunta roon kahit na hindi naman kami madalas magkasama rati.

Nang makarating na sa cafeteria ay umupo na agad kami sa upuang tinabi nila para saamin. Tumabi ako kay Elias habang si Aly naman ay kay Zoren. They oddly looked good together though. Minsan napapaisip ko kung ano bang namamagitan sakanila. Are they together?

"Stay here.. I'll order for us," pigil ni Eli saakin nang tatayo na sana ako. "What do you want?"

"May carbonara pala?" wala sa sariling tanong ko. Nakalagay iyon sa special menu ngayon kaya iyon ang pinili ko.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon