Chapter 37

86 4 0
                                    

Chapter 37

Nagising ang mahimbing kong tulog dahil sa mga kaluskos sa labas. Bumangon ako at nagstretch ng katawan bago binalingan ang digital clock na nasa bedside table. It's still early. Marami pa akong oras para maghanda patungo sa university.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig nang makita si Eli na nagluluto roon. Maingat siyang nagpi-prito ng bacon at egg. May nakahanda na ring fried rice sa lamesa kaya nagulat ako.

I thought he already went home. Nang pasadahan ko siya ng tingin ay naka white tshirt na siya at slacks. Tapos na rin siyang maligo at ang polo uniform niya ay naka-hanger na sa sala. Ang cellphone niya na nasa counter top ay tahimik na nagpapatugtog ng 'Six Feet Apart' by Alec Benjamin. 

Tumikhim ako dahilan nang paglingon niya sa gawi ko.

"Oh, gising ka na pala," he said before smiling. Binaba niya rin muna ang sandok na hawak at kumuha ng isang basong maligamgam na tubig. "Good morning," aniya at inabot saakin ang hawak.

Kinuha ko iyon at nilagok.

"Salamat," medyo paos na wika ko.

Tumalikod siya saakin habang ako ay nakasandal lang sa gilid ng counter, nanonood sakanya na magluto. Nang matapos na ay pinatay niya ang gasul at inihanda na ang mga pagkain. Siya na rin ang nag-arrange sa mesa, ni hindi niya ako pinatulong.

"Maliligo ka ba o kakain ka muna?" he suddenly asked while holding two plates.

Dahil nakaluto naman siya at maaga pa naman ay pinili kong kumain nalang muna bago maligo. I sat in front of him and waited for him to be settled.

"You went home?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Maaga akong nagising. Naligo at nagbihis lang ako sa bahay tapos ang uniform ko dinala ko na rito para ma-plantsa. Pinlantsa ko na rin ang sayo, medyo basa pa kaya pinainit ko pa nang maayos ang plantsa." 

Ilang beses akong tumango at nagsimula nang kumain. Tahimik lang kaming kumakain at tanging kubyertos lang ang ingay na naririnig. Minsan ay nagnanakaw ako ng tingin sakanya, inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ilang at pagkahiya.

Kahit na noong pumapara at nakasakay na kami ng jeep ay wala ni isang nagsalita saamin. Puno ang jeep na sinasakyan namin kaya masikip. He offered to carry my bag so I gave it to him. Dalawa ang bag na nakapatong sa hita niya ngayon.

Abot tahip ang kaba ko habang katabi siya. Hindi ko mapigilang mahiya sa mga pinaggagagawa ko kagabi. Iba-iba ang emosyong namamahani sa kaloob-looban ko. I can't even name it! Couples kissing is normal. Wala namang masama sa ginawa namin kagabi. Normal lang naman iyon para sa mga taong nasa isang relasyon kaya bakit ramdam na ramdam ko ang tensyon?

My heart is beating faster with an unknown reason. Rinig na rinig ko ang pagtibok nito. Nang tingnan ko si Eli ay nakaharap lang ito sa harapan at mukhang hindi naman siya binabagabag sa nangyari. Ako lang itong paranoid at ignorante kasi first kiss ko iyon!

"Kapag hindi kita masundo mamayang lunch...will you come to our building? I might be busy later," nahihiyang sabi niya nang makarating kami sa university.

Tumango ako at hinawakan ang mga kamay niya.

"Oo naman," I smiled at him.

Hinatid niya pa ako sa building namin bago tuluyang nagpaalam. Hinalikan niya pa ako sa noo bago umalis. Naalala ko na naman tuloy ang kahihiyang ginawa ko kagabi. Damn, it's been haunting me.

Nothing much happened last night. Not that I was expecting more, but I was feeling kinda dismayed that we did not do anything except for making out. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon. Wala namang nangyari kaya dapat magaan ang dibdib ko. Gosh, Isleen, what the fuck did you expect?

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon