Chapter 5
The past few days was hell for me.
Lalo na't ilang araw na lang at magsisimula na ang first semester exam namin. I've been so busy trying to study. Hindi na ako masyadong nakakatulog kakaaral. Kapag sa loob naman ng university ay hindi rin ako masyadong nakakakain. Lahat ng oras ko ay nilaan ko sa pag-aaral.
I can feel the pressure right now. Lalo na't mahilig mang-pressure ang pamilya ko sa grades ko.
I'm so tired already! Gusto ko nalang magpahinga at matulog buong araw.
"Ano ba, Nathalie! Nagre-review ako!" singhal ko kay Thalie nang guluhin niya ako para raw samahan siya sa labas magpa-photocopy.
I saw her rolled her eyes at me before sitting beside me. Inagaw niya pa ang librong hawak ko na hiniram ko sa library kanina at binasa iyon. My brows automatically creased at her sudden move.
"Ano ba 'yan! Ilang araw ka ng puro aral ang inaatupag, ah?" ngumiwi siya.
"Ano ba dapat ang aatupagin?" sambit ko.
Bahagya pa siyang napatunganga sa gilid ko at di makapaniwala sa aking sinabi.
Kalaunan ay bumuntong-hininga nalang siya.
"Samahan mo na kasi ako. Bilhan kita kwek-kwek marami," she eventually added.
I almost heard my stomach growl as I heard what she said. Nanuyo ang lalamunan ko at natatakam sa sinabi niya. Kumain naman na ako kanina ngunit isang sandwich at salad lang 'yun lalo na't nagmamadali ako kanina papuntang library.
Pinilig ko ang ulo nang muntik na akong tumango para pagbigyan siya. I really need to study right now. Kahit pagkain ay hindi ko dapat gawing destruction. Pighati.
"Ayoko nga, Thalie. Magpasama ka nalang sa iba. Busy ako," I straight-up said without even glancing at her.
Nabalik ang buo kong atensyon sa pinag-aaralan. I let my mind set aside the thoughts of foods even though my tummy screams hunger.
"Boo! Ayaw na kitang maging friend!" she said and even gave me thumbs down before sticking her tongue out. "FO na tayo, Leen. Sorry ganito lang ako," madramang aniya bago umalis.
Umakto pa akong nasusuka sa harapan niya at umirap.
"Luh, arte mo!" sigaw ko sa papalayo niyang bulto.
Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Gaya ng dati ay dito na naman ako nakatambay sa grandstand. Halos araw-araw ay naparito ako. Mas gusto ko kasing mag-aral kapag tahimik. Idagdag pa na ang hangin dito kaya masarap mag-aral.
Ang kaso lang, nakakalimutan ko na ang dapat kong gawin dahil masyado akong pukos sa pagr-review. Hindi na ako nakakakain nang maayos at wala ring sapat na tulog.
Kanina lang ay nanghiram pa ako ng libro sa library. Hinanap ko kasi ang lesson namin sa trigonometry kanina kasi hindi ko masyadong nakuha. I just looked it up at the book and study it by myself. Nanood na rin ako ng video sa youtube para mas lalong maintindihan.
Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong intindihin ang lesson namin sa math. Simula pa noong highschool ako. Ang mga kapatid at kaibigan ko naman ay matatalino sa subject na ito, ako lang talaga ang naiiba.
Kahit na nakikinig naman ako lagi at pilit iniintindi ang lesson ay nahihirapan pa rin akong makuha iyon. Matalino naman ako sa ibang subject, dito lang talaga ako mahina.
It's embarrassing on my part, really. College na ako at ang kinuha kong kurso ay nagr-require ng magaling sa math. Okay lang na hindi magaling basta fast learner. Eh, ako? Wala sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Between the Fallen Memories
RomanceCoup de Foudre Series #3 Ano ang kaya mong isakripisyo para sa isang tao? Isleen Cosette Mendoza grew up believing that no man could ever replace Elijah Suarez in her heart. Highschool palang siya ay gustong-gusto niya na ang lalaki. Akala niya siy...