Chapter 4

164 5 0
                                    

Chapter 4

Hindi pa man bumabalik si Thalie ay agad ko nang nilisan ang lugar na iyon. At dahil sa pagmamadali ay naiwan ko pa ang paborito kong ballpen. G-tech pa naman 'yun! Kukunin ko nalang iyon kapag nagkita kaming muli.

O baka sakanya nalang 'yun?

Pwede naman akong bumili ng bago!

Tama! Pwede naman akong bumili!

Habang naglalakad pabalik sa building namin ay mabigat ang hininga ko. Gumagawa lang talaga ako ng excuse sa sarili para hindi na muling magkrus pa ang landas namin.

Paano ba naman kasi! Ang straightforward niyang tao! I didn't even know how to react earlier when he said that he has a crush on me!

Basta ang naalala ko, natulala ako ng ilang segundo. The butterflies on my stomach went wild! Hindi pa naproseso nang maayos sa utak ko ang sinabi niya. He confessed! He literally confessed to me, in the flesh!

Pero napahanga niya ako roon, ah. Ang iba kasi ay magcoconfess ng nararamdaman nila sa text, o sa tawag, o sa chat. Pero siya face to face talaga! 'Yung tipong hindi mo pinaghandaan, basta-basta niya lang sasabihin.

Nahihiya na tuloy ako kahit di naman dapat. Hindi naman ako ang nagconfess kaya bakit ako dapat ang mahiya?

Tama ka riyan, Leen. Kapag magkita kayo, just act like nothing happened. Tumango pa ako, bilang pagsang-ayon sa sariling naisip.

I groaned lazily while walking. Malapit na ako sa entrance ng building namin nang may nabangga akong isang matigas na pigura. Nabitawan ko ang notebook ko at ang iba ko pang dala.

Agad akong yumuko para isa-isang kunin 'yun. Hindi man lang ako tinulungan ng nabangga ko.

"I'm sorry!" natataranta kong saad at pinagpagan ang damit. "Sorry talaga..." Nang umangat ang tingin ko para tingnan kung sino ang nabangga ay napanganga ako. "Eli..." I called in a soft voice. "Uhh... Pasensya ka na, hindi kita nakita," paghingi ko ng tawad.

Wala siyang reaksyon habang nakatitig saakin. Nakatuwid lang ang tayo at nakakunot ang noo, marahil nasisilawan dahil sa mukha niya mismo tumatama ang araw.

"Don't bow your head while walking para hindi ka makabangga," aniya sa mababang boses.

Napatulala pa ako saglit sa sinabi niya bago tumango. Napalunok ako. Ang lamig ng boses niya. Gaya pa rin ng dati.

"O-okay... Pasensya na ulit," ulit ko.

Masyado akong nadadala sa lamig ng pakikitungo niya saakin kaya hanggang sa malampasan niya ako ay hindi pa rin ako makagalaw.

I was unmoving. Unable to move. My heart is palpitating.

Nang makabawi ay humarap ako sakanya, hindi pa siya nakakalayo saakin. I gathered all my strength and decided to follow him. Mabilis ang lakad ko para abutan siya.

"Eli..." I cleared my throat. Hindi pa rin niga ako nililingon. "Elijah," tawag ko sa pangalan niya.

Halos magdiwang ako nang huminto siya sa paglalakad at tamad na humarap saakin. Ayun na naman ang malamig niyang mga tingin. Ngunit nilakasan ko ang loob ko at nilalabanan ang mga 'yun.

Hindi dapat ako magpadala sa kung paano niya ako tratuhin. Even if he treats me like thin air.

Kahit na alam kong hinding-hindi niya ako mapapansin.

Basta susubukan ko.

Patuloy ko pa ring susubukan.

Baka kapag nagkataon, susuko na siya at isusuko na niya ang sarili niya saakin.

Kasi gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya.

"What?"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang baritono niyang boses. Napakurap-kurap ako at pinoproseso pa ng maayos ang utak para makapag-isip.

Tumikhim ako. "Uhm... Nag... Nag-lunch ka na ba?" Wala sa sarili kong tanong.

His lips gradually parted. For a second, I think I saw him stiffened at my question. Sigurado akong nakita kong dumaan sa mga mata niya ang bahid ng pagkabigla at kasiyahan.

But then he looked away then pursed his lips.

"Hindi pa," he replied in a monotone.

Napangiti naman ako. Tila ba nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Wala namang masama kung ayain ko siyang kumain, diba?

"Do you think we can grab lunch together?" dere-deretso kong tanong. Hindi na nag-aksaya pa ng oras. Hindi na nag-iisip pa ng magiging kalalabasan noon. Basta ang gusto ko lang, makasama siyang kumain kahit ilang minuto.

Tiningnan ko ang relo ko. May ilang minuto pa naman bago magsimula ulit ang afternoon class. I just wanna grab lunch with the guy I like.

"I don't think so, Isleen," wika niya, tila ba alam na alam na niya ang isasagot niya dahil mukhang hindi niya pinaglaanan ng oras ang tanong ko. Hindi man lang pinag-isipang mabuti kung nais niya bang kumain kasama ako o hindi.

Kahit na expected naman na ang isasagot niya ay di pa rin mapigilan ng balikat kong bumagsak dahil sa pagkadismaya.

"I just wanna grab a lunch with you..." bulong ko, nakayuko.

"Kumain ka nalang mag-isa. Mali-late na ako sa next class ko."

I bit my lower lip, trying not to let just a single tear fall.

Ever since I started to like him, walang araw na hindi niya nirereject lahat ng offer ko. Lahat ng ginagawa ko para sakanya ay hindi niya napapansin. Kasi wala naman talaga siyang pakialam. Pakiramdam ko nga ay isa lang akong peste sa buhay niya.

Wala siyang pinapalampas. Kahit na anong gagawin ko ay patuloy pa rin siya sa pagtanggi noon. Kahit na nasasaktan na ako, pinipilit ko pa rin ang sarili ko sakanya.

Baka nga tama ang pamilya ko. Na ang babaw kong tao. Nasasaktan agad ako kahit sa mga maliliit na bagay lang. Naiiyak agad ako kahit sa pinakamaliit na bagay lang. Kasi nga, masyado akong mababaw.

Tama nga sila. Ang hina ko. Mahina ako.

Pati ba sa taong gusto ko ay ganon din ang tingin saakin?

"Why are you always like this to me, Elijah?" nagsimula nang mag-init ang gilid ng mga mata ko. "Bakit hindi mo kaya akong pagbigyan? Bakit lagi mo nalang akong iniiwasan? Bakit ka ganyan saakin?" Nagtaas ako ng tingin at sinalubong muli ang malamig niyang mga tingin.

"What do you mean?" nagkasalubong ang kilay niya.

"You know that I like you. Bakit mo ako pinagtatabuyan? Do you not like me?"

He's eyeing me right now very seriously. Ang kaninang malamig niyang mga tingin ay napalitan ng seryosong mga titig. His intense stares makes my knees turn to jelly.

"Am I supposed to like you back? Am I supposed to get close to you just because you like me?" His voice is so cold and he delivered his words ruthlessly.

Parang hinahalukay ang sikmura ko sa narinig.

Umurong ang mga luha ko.

Sa bawat tibok ng puso ko ay mas lalong sumasakit. Tila ba may nakasaksak na matulis na karayom doon.

Gusto kong maiyak sa sinabi niya ngunit walang lumalabas. Hindi ko alam kung ubos na ba sila o ayaw lang nilang magpakita sa harap ng lalaking tinataboy ako ngunit gusto ko pa rin.

I like him... like crazy.

"Elijah..."

"Hindi kita gusto, Isleen. Please... Just please..." napapikit siya at kinuyom ang kamao. "Leave me alone," that was his last words before leaving me dumbfounded.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon