Chapter 10

123 3 0
                                    

Chapter 10

I was definitely seduced by his kind offer.

Ilang segundo akong nakatunganga hanggang sa pag-alis niya at hanggang sa pagbalik ni Thalie. Sabi niya ay pag-iisipan ko nalang daw muna nang maayos ang alok niya. Ang sabi niya rin ay ayos lang naman din kapag hindi ako pumayag.

But who would dare to reject that kind of offer, huh?

I mean, sabi niya naman ay libre tapos ako pa bahala kung kailan siya tatawagan para itutor ako. That was such a great opportunity! Hindi ko nga lang alam kung anong pumasok sa isip ko sa mga oras na 'yun at hindi ko agad tinanggap ang alok niya.

Ayos lang. He also said that I could come to him any time and inform him that I already accepted his offer.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang dumating na ang propesor namin. Di tulad ng dati na pagpasok niya palang agad ay magtuturo na siya, ngayon ay hindi. Nakatayo lamang siya sa harapan at inilagay ang mga hawak sa lamesang nasa tapat niya at parang may hinihintay sa labas.

She then cleared her throat to get our attention.

"Okay, students, you have a new blockmate," she announced.

Narinig ko ang mahinang singhap ng aking mga kaklase. Nang iginala ko ang mata ay nakita ko ang mga noo nilang nakakunot at tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ng guro.

Isn't it too late to still accept transferees?

Gaya nila ay naguguluhan din ako. The new student already missed half the semester.

"You can now come in, young lady," ani ng aming guro at iginiya ang bagong studyante papasok sa loob ng room.

Isang babae ang iniluwa ng pintuan na iyon at pumasok sa loob ng aming silid. She's not so short, tamang-tama lang ang height para sa isang babae. Mahinhin ang kilos, hanggang balikat ang itim at wavy na buhok, matangos ang ilong, at mapungay ang mga mata.

Ang kaninang singhap ng mga kaklase ko ay napalitan ng pagkamangha.

"Nice! Babae pala."

"Wew! Ganda."

Iyan ang mga naririnig kong bulong-bulongan ng aking mga kaklase. Ibinalik ko ang tingin sa harap. Well, I can't blame them. Maganda naman ang babae. She has an angelic face. 'Yung tipong totoong kahulugan ng Maria Clara.

"Introduce yourself in the class," ngiti ng propesor.

The girl cleared her throat and tried her best not to bow her head too much. Nahihiya pa siguro siya dahil baguhan palang siya rito. She even glanced all of us quickly before starting.

"H-hi, I'm Alyson Vega," panimula niya and maliit na ngumiti, tila napipilitan. "I came from Southville International. I hope we'll get along."

"Thank you, Alyson. You can sit beside..." the prof roamed her eyes around the room and it landed on me. Well, beside me really. May bakante kasing upuan sa tabi ko at matagal ng walang nakaupo roon. Ang katabi ko naman ay nasa kabilang row at hindi man lang naisipang lumipat sa tabi ko.

The Alyson girl bowed her head lightly to our professor before walking towards the seat beside mine. Nasa kanya ang lahat ng atensyon, sakanya naka tuon ang lahat ng mga mata, pati saakin. She's just too angelic not to be notice. 

Kaagad siyang umupo sa tabi ko. Nang makaupo na siya nang maayos ay saka ako nagpakilala.

"Hi, Alyson! I'm Isleen. Welcome to our school," pagbati ko sakanya at inilahad ang kamay.

Tinanggap niya iyon. Even her hand is so soft. Parang walang ginawang trabaho sakanila.

"Hi, Isleen. Thanks for welcoming me," she happily replied in a delicate voice.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon